‘Alulong’ (Part 7)
“HUWAG nagkataon lamang ang lahat. Hindi ako naniniwala na kapag umalulong ang aso ay may mamamatay na kaanak. Ayaw kong mawala sa atin si Blackie,” sabi ni Papa.
“Pero Papa, ilang kaanak na natin ang namatay. At lahat sila, pinahiwatig ni Blackie ang pagyao. Kung hindi natin ipamimigay si Blackie, lagi tayong magwo-worry sa tuwing aalulong siya,’’ sabi ko na sinuportahan naman ng isa ko pang kapatid.
Pero matigas ang desisyon ni Papa. “Hindi ipamimigay si Blackie!”
Kaya nanatili sa amin si Blackie.
Lalo namang naging masayang kasama si Blackie na marami pang natutuhang tricks dahil kay Papa.
Pinasasaya kami ni Blackie ng kanyang pagsasayaw. At hindi lamang kami ang natutuwa kundi pati na rin ang iba pang mga tao.
Lumipas ang ilang taon na hindi umaalulong si Blackie. Natuwa kami. Siguro’y tapos na ang mga masasamang balita.
Hanggang isang gabi, muling umalulong si Blackie. Malakas at mahabang alulong.
Awoooooooo! (Itutuloy)
- Latest