^

Punto Mo

Wala na bang kasong criminal kapag namatay na ang nagreklamo?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Idinemanda po ako dahil sa tumalbog kong tseke. Nabalitaan ko po last week na namatay na ang nagsampa ng demanda sa akin. Madidismiss na po ba ang kaso ngayong wala na ang nagrereklamo? —Michael

 

Dear Michael,

Ayon sa Article 89 ng Revised Penal Code, ang mga sumusunod ang mga maaring dahilan ng pagkawala ng criminal liability o kriminal na pananagutan:

1. Pagkamatay ng convicted na akusado;

2. Pagsisilbi ng sentensiyang ipinataw;

3. Pagkakaloob ng amnestiya;

4. Pagkakaloob ng absolute pardon;

5. Kapag lumipas na ang panahong itinakda ng batas para sa pagsasampa ng kasong kriminal; at

6. Kapag lumipas na ang panahong itinakda ng batas para sa pagpapataw ng parusa sa convicted na akusado.

Mapapansin mo na ang pagpanaw ng private complainant ay wala sa mga nabanggit na dahilan upang mawala ang kriminal na pananagutan ng isang akusado. Sa pagpangalan pa lang sa mga kriminal na kaso ay mapapansin mo na hindi ito nakapangalan sa nagsampa ng nagreklamo katulad ng mga civil cases at bagkus ay nasa ngalan ng “People of the Philippines.”

Hindi rin mahalaga kung buhay pa o hindi ang biktima ng krimen dahil kung ganyan lang ay wala ng nakulong para sa salang homicide o murder.

Sa madaling sabi ay hindi dapat makakaapekto ang pagkamatay ng nagreklamo sa iyo sa takbo ng iyong kaso, na dapat ay magtutuloy-tuloy lang ang takbo kung kasulukuyan na itong nililitis.

Kadalasan nga lang sa mga kriminal na kaso ay ang private complainant lamang ang tanging testigo laban sa akusado kaya sa huli ay mababasura din ang kaso kung wala na ang private complainant at hindi pa niya nailalahad ang kanyang testimonya sa korte at wala nang ibang ihahaing ebidensya ang prosekusyon.

Kaya kung nagawa nang tumestigo laban sa iyo ng private complainant ay hindi dapat makaapekto ang pagkamatay niya sa takbo ng kaso mo. Kung hindi pa naman ay saka lang ito maaring maging dahilan ng dismissal ng kaso kung wala ng ibang ebidensya at testigo laban sa iyo.

CRIMINAL LIABILITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with