Digong at Sara, gusto talaga ang impiyerno
MALAMANG na mabawasan ng boto ang senatorial candidate na ikakampanya ni Vice President Sara Duterte sa May 2025 election.
Baka matalo pa!
Baliw na lamang diumano ang senatorial candidate na magpapataas ng kamay kay Sara. Noong Biyernes, sinabi ni Sara na ipahuhukay niya ang bangkay ni dating President Ferdinand E. Marcos at itatapon niya sa West Philippine Sea.
Kabastusan naman talaga ang ganun!
Kahit ang mga makakaliwang grupo na sagad ang galit kay Marcos Sr. ay hindi natuwa sa sinabi ni Sara. Lalo pa nga’t dumikit lamang ito sa pamilya Marcos para makuha ang boto ng mga Waray at Ilocano.
Wala raw marahil sa sarili si Sara nang sabihin na gusto nitong pugutan ng ulo si Pres. Bongbong Marcos Jr. Hindi raw siya natatakot na mapunta sa impiyerno dahil magiging Presidente naman siya roon.
Papalitan si Satanas?
Bukambibig din noon ni dating President Rodrigo Duterte na sa impiyerno siya magtutungo at sasampalin si Satanas pagdating niya roon.
Malala na ‘to di ba?
O ngayon, sinong gustong magpataas ng kamay kay Sara?
Raise your hand!
- Latest