Pinakamalaking kebab sa buong mundo, niluto ng mga chef at cook sa isang festival sa Cyprus!
Isang festival sa Cyprus ang sumubok makapagtala ng Guinness World Record sa pamamagitan ng pagluluto at paghahain ng Sheftalia, isang traditional Cypriot kebab, na may haba na 246 feet.
Ang St. Lazarus and his Little Friend Savvas festival, isang taunang charity event bilang parangal kay St. Lazarus, ay nagtipon ng mga cook at chef para lumikha ng pinakamahabang kebab na makapagtatala ng world record para sa titulong “World’s Largest Sheftalia”.
Dinaluhan ang naturang event ng mahigit 150 organisasyon at institusyon para sa mga charity kabilang ang St. Lazarus Center for People with Disabilities.
Ang 246 feet na Sheftalia ay kinailangan ng halos 30 katao upang buhatin. Matapos makumpirma ang world record, pinagsalu-saluhan ito ng mga dumalo sa event at sabay-sabay nila itong kinain sa pamamagitan ng pagpapalaman nito sa pita bread.
- Latest