‘Pako’
(Part 9)
NANG araw ding iyon ay nagsimula akong tagahugas ng pinggan sa karinderya ni Tatay Kiko na nasa isang eskinita sa Divisoria. Wala nang tanung-tanong pang marami sa akin. Nang matiyak ng kaibigan kong si Joe na nasa maayos na akong kamay ay iniwan na niya ako.
“Mag-ingat ka Ramon. Sundin mo ang lahat ng sasabihin ni Tatay Kiko at Nanay Angela.
“Oo, Joe. Salamat. Hindi kita malilimutan.”
Nang matapos ang pagtitinda ng hapong iyon, tinanong ako ni Tatay Kiko kung saan umuuwi. Sinabi ko ang totoo na galing akong probinsiya. Ulilang lubos. Tumakas ako sa malupit na Intsik. Wala akong kakilala rito sa Maynila.
“Sige sa amin ka na tumira. Dalawa lang kami ni Nanay Angela mo. Wala kaming anak.’’
Mula noon, sa kanila na ako tumira. Sa isang makipot na bahay kami nakatira sa kanto ng Abad Santos at Recto.
Sinipagan ko ang pagtatrabaho. Hanggang matuto na rin akong magluto. Lahat pinag-aralan ko.
Isang umaga, may sinabi sa akin si Tatay Kiko.
“Mag-aaral ka Ramon. Kailangang makapagtapos ka. Mas may kinabukasan ang nagtapos sa pag-aaral.”
(Itutuloy)
- Latest