^

Punto Mo

EDITORYAL - DILG, wawalisin ang POGOs

Pang-masa
EDITORYAL - DILG, wawalisin ang POGOs

WAWALISIN ang Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs) sa bansa. Ito ang tiniyak ni DILG secretary Jonvic Remulla. Uunahin daw niya ang POGOs sa kanyang probinsiya lalo ang nasa Kawit, Cavite. Tinaningan niya ang POGO Island sa Cavite ng hanggang Disyembre 15. Sinabihan na umano niya ang may-ari ng Island Cove POGO na isa-shutdown na ang POGO hubs doon.

Ang Island Cove ay dating pagmamay-ari ng kanilang pamilya pero ipinagbili na nila ito noong 2018. Ang pagpapasara sa POGO hubs sa Island Cove ang una niyang direktiba makaraang italaga ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Oktubre 8 bilang bagong secretary ng DILG. Pinalitan niya si dating DILG secretary Benhur Abalos na tatakbong senador sa 2025 elections.

Kung maisasakatuparan ni Remulla ang maagang pagwasak sa POGOs, mas mabangis siya kumpara kay Abalos. Sa panahon ni Abalos, maraming illegal na POGOs na hindi nakatikim ng “kamay na bakal” at lalong dumami na parang kabute. Nagkaroon lamang nang malawakang operasyon laban sa POGOs nang madiskubre ang kaugnayan ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ukol dito. Inaakusahan si Guo na may-ari ng compound na kinaroroonan ng POGO hubs. Nakakulong na si Guo at iniimbestigahan ng Senado at House quad committee.

Pagkatapos salakayin ang POGOs sa Bamban, sunod na sinalakay ang POGOs sa Porac, Pampanga na mas malaki at hindi lamang online gaming ang inio-offer kundi pati na rin panandaliang aliw. Sangkot din ang POGO sa human trafficking at crypto currency scam. May torture chamber din ang sinalakay na POGO hubs. May mga Chinese na pinarusahan. May nakita ring uniporme ng Peoples Liberation Army sa POGO hubs. Sinuspende na ang mayor at iba pang opisyal ng Porac dahil sa illegal na operasyon ng POGO.

Sabi ni Remulla, makaraang manumpa sa tungkulin, tinanggap niya ang hamon na pamunuan ang DILG para makatulong hindi lamang sa kanyang probinsiya kundi sa buong bansa. Naglingkod siya sa Cavite sa loob ng 29 na taon. Ngayon ay buong bansa naman ang kanyang paglilingkuran.

Inaasahan ang pagwalis ni Remulla sa POGOs at sana maisakatuparan niya ito. Kung maisasakatuparan niya ang pagwalis sa POGOs bago matapos ang 2024, malaki ang posibilidad na magkakaroon na ng katiwasayan at kapanatagan. Mula nang mamamayagpag ang POGO noong 2017 sa panahon ni dating President Duterte, kaliwa’t kanan ang krimen. Naging abala ang PNP sa POGO at nakaligtaan ang kaligtasan ng mamamayan.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with