‘Ilang-ilang’ (Part 3)
Mayroon palang malaking bahagi sa buhay nina Tatay at Inay ang ilang-ilang kaya ganun na lamang ang bilin nito sa aming mga magkakapatid na huwag puputol o sisira ng kahit isang puno ng ilang-ilang. Isang batas iyon na dapat naming sunding magkakapatid.
Kaya naman kahit may mga sarili na kaming pamilya, nananatili ang kautusan. Ang mga ilang-ilang sa paligid ng aming lumang bahay ay nananatili pa rin hanggang ngayon. Ang ilan ay nabali dahil sa bagyo pero hindi iyon pinuputol. Ang nabaling katawan ay muling nagkakaroon ng panibagong sanga at doon umuusbong ang mga mababangong bulaklak.
Pagkukuwento nina Tatay at Inay, malapit na raw silang ikasal noon nang mangyari ang hindi nila inaasahan. Abala sila sa mga gagamitin sa kanilag kasal. Nang umulan nang malakas at bumaha.
(Itutuloy)
- Latest