^

Punto Mo

‘Sementeryo’ (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Umulan nang malakas nang mag-alas-sais ng hapon. Alas-siyete na ay hindi pa tumitigil. Nabahala ako. Tiyak na hinihintay na ako sa tirahan namin.
Sabi ko pa naman sa aking tiyahin ay uuwi agad ako pagkagaling sa bahay ng kaklase ko.

“Dito ka na matulog Jim,’’ sabi ni Ruben.

“Tiyak baha na sa dadaanan mo.’’

Ganundin ang ­sinabi ng tatay at nanay ni Ruben. Dun na raw ako matulog. Wala raw akong daraanan dahil baha.

Totoo ngang baha na dahil ipinakita sa TV ang baha.

Nakita kong naghain na ng pagkain ang nanay ni Ruben. May mesa silang plastic. Inilabas ng tatay ni Ruben ang mga silya.

“Dito ka maupo, Jim,’’ anyaya ni Ruben.

“Kain na Jim, pasensiya ka na sa ulam ha,’’ sabi ng nanay ni Ruben.

“Okey lang po.’’

Nilagyan ako ni Ruben ng kanin. Kumutsara ako ng ulam.

Habang kumakain ay tahimik kami. Napapasulyap ako sa nitso.

(Itutuloy)

SEMENTERYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with