16-anyos na estudyante sa U.S., hinirang na pinakabatang judge!
ISANG 16-anyos na estudyante sa Hingham, Massachusetts ang naging pinakabatang Justice of the Peace sa USA noong 2023. Si Henry Buckley ay nahirang sa posisyon sa kabila ng kanyang murang edad. Ito ay matapos makumpleto ang lahat ng requirements sa naturang posisyon, tulad ng: ang pagiging registered voter, pagiging legal resident ng Massachusetts, at may suporta mula sa komunidad. Ipinakita rin niya ang seryosong hangarin na maglingkod, dahilan para i-nominate siya ni Governor Maura Healey at ng Governor’s Council.
Ang Justice of the Peace ay isang opisyal na may kapangyarihang magsagawa ng mga legal na tungkulin gaya ng pag-notaryo ng dokumento, pamumuno sa mga wedding ceremony at pagpapatibay ng katahimikan sa komunidad bilang “conservator of the peace.”
Bagama’t hindi humawak ng mga kasong kriminal si Henry, naging aktibo siya sa pagtulong sa paggawa ng statewide handbook para sa mga kapwa niya opisyal at pagsuporta sa mga advocacies tulad ng youth voting rights at mental health reform.
Nagbitiw si Henry sa puwesto nitong February 2025 upang mag-focus sa pag-aaral. Sa kabila ng kanyang resignation, nananatili siyang inspirasyon sa maraming kabataan sa kanilang lugar. Para sa kanya, hindi hadlang ang edad sa pagkakaroon ng boses at responsibilidad sa lipunan. “Ang mahalaga ay ang dedikasyon at layunin, kaya napatunayan kong kaya naming mga kabataan ito,” aniya.
- Latest