^

Punto Mo

‘Boy Selfie’ ng NBI, nang-rape ng ­inarestong Vietnamese!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Congratulations kay Brig. Gen. Nicolas Torre III, ang bagong hirang na director ng Criminal Investigation and Detective Group (CIDG). Maagang napremyuhan si Torre matapos mai-custody ng gobyerno si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy. Wala namang kumontra sa bagong assignment na ito ni Torre dahil alam nilang nararapat lang ito. Mismooo!

Kaya hindi na kataka-taka kung biglang ma-promote bilang major general si Torre dahil ‘yan naman ang dapat nakalaang ranggo ng CIDG director, di ba mga kosa? Ang malungkot lang, nasa floating status ang pinalitan ni Torre na si ex-CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco. Anyare? Ang sakit sa bangs nito!

••••••

Hindi pa umiinit ang puwetan ni NBI director Jimmy Santiago sa kanyang upuan subalit naharap kaagad sa kontrobersiya. May NBI agent kasi na tampok ng reklamong ni-rape nito ang naarestong Vietnamese national. Ano ba ‘yan? At ang masama pa, sa mismong tanggapan ng NBI sa Quezon City nangyari ang krimen. Araguyyyyy!

Bukod sa banyagang bebot, may isang Pinay din na ginahasa ni NBI agent subalit minabuti nitong manahimik imbes na magreklamo. Tinakot kaya o inareglo ang pobreng Pinay? Itong rape mga kosa ay masasabi kong heinous crime at no bail ito. Tsk tsk tsk! Dapat makialam si Justice Secretary Boying Remulla sa kasong ito dahil ang imahe ng NBI ang nakataya rito, di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kaya nasabi ng mga kosa ko na kontrobersiyal itong kaso dahil imbes na kasuhan ay mukhang iniligtas ng pamunuan ng NBI ang kanilang ahente, na tawagin nating “Boy Selfie.” Kaya naman Boy Selfie dahil mahilig makipag-selfie si atorni sa mga taong mataas ang tungkulin sa gobyerno. Kung sabagay, laman ng social media si ‘Boy Selfie’ dahil sa kumalat nilang litrato ng na-deport na suspect.

Clue mga kosa? Para makaiwas sa kaso, ang ginawa ng pamunuan ng NBI ay pinag-resign na lang si “Boy Selfie” imbes na kasuhan sa korte. Kaya dismayado ang rank-and-file ng NBI dahil nagmukhang kinunsinti ni Santiago si “Boy Selfie.” Araguyyyyy! Kaya dapat habulin ni Remulla si “Boy Selfie” na naunang pinaimbestigahan na niya dahil sa litrato sa social media. Ganun na nga! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang biktima, kasama ang kapwa Vietnamese at Pinay ay inaresto ng NBI Special Task Force sa raid sa isang clinic sa Makati City nitong nagdaang mga araw sa kasong medical malpractice. Dinala ang mga inaresto sa temporary NBI headquarters sa Vtech Tower sa Quezon City kung saan nangyari ang kababalaghan. Nagtangka pang itago ang kaso subalit nahagip ito ng mga kosa ko. Eh di wow!

Teka, teka, nag-resign na ba talaga si Boy Selfie o plano pa lang ng mga superiors n’ya sa NBI ang sistemang ito para maiwas siya sa kasong heinous crime. Dipugaaaaa! Ang sakit sa bangs nito!

Totoo kaya na may pulis na bagyo kay Santiago na gumitna sa kaso ni “Boy Selfie?” Si Santiago ay nakasama ko sa WPD o MPD na sa ngayon, ay naging abogado, at judge bago maging NBI director kaya alam niyang nararapat kasuhan ang NBI agent. Magsisilbing hamon sa liderato ni Santiago itong kaso ni ‘Boy Selfie.’ Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang ‘yan! Abangan!

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with