^

Punto Mo

Saan naiipon ang ‘negative emotions’?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

AYON sa psychology, ang sakit ay nagmumula sa mga negatibong emosyon na ating nararamdaman. Sa sobrang bigat, ito ay nagiging bukol at minsan, kanser.

1. Balikat at leeg: Ito ang sumasakit dahil sa tensiyon at stress bunga ng mabibigat mong responsibilidad na hindi mo na makaya.

2. Lower back: Ito ang naapektuhan o sumasakit dahil sa financial stress. O, walang kapamilya na sumusuporta sa iyong mga problema.

3. Panga: Ito ‘yung tiim-bagang ka na lang kahit sobra ang galit na nararamdaman mo. Nagngangalit ang iyong kalooban pero pinipigil mo ang sarili dahil sa takot, bunga nito, panga ang sumasakit sa iyo.

4. Balakang: Ang takot at past trauma (bullying at inabuso: verbal at sexual) ay madalas naiipon sa balakang kaya ito ang sumasakit.

5. Dibdib at heart area: Dito naiipon ang kalungkutan, dulot ng pagluluksa, kabiguan sa pag-ibig.

6. Tiyan at bituka: Kapag ninenerbiyos dahil sa nalalapit na exam, may itinatagong sikreto na malapit nang mabisto, may masungit na boss o titser, ang resulta ay nahihirapan kang matu­nawan, sumasakit lagi ang tiyan at madalas tinitibe. Lalamunan: Hindi niya mailabas ang kanyang saloobin kaya laging naninikip ang lalamunan.

7. Ulo: Ang migraine ay dulot ng overthinking, self sabotage, nadadamang inggit sa ibang tao, mataas na pride at kahihiyang naranasan sa publiko.

Una ay dapat mong kilalanin ang pinagmumulan ng negatibong emosyon upang malaman kung paano ito masosolusyunan. Ang panandalian naman paraan upang mababawasan ang sama ng loob ay sa pamamagitan ng pag-iyak, pagsigaw, pagsayaw, pagkanta, pagpipinta o pag­habi ng kuwento o nobela. Kung may kakayahang magbayad, mas mainam ang pagkonsulta sa psychologists.

EMOTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with