‘Kabaong’ (Part 1)
BATA pa lamang ako, takot na ako sa kabaong. Aywan ko kung bakit. Kapag nakakakita ako ng kabaong ay nanginginig ako. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama.
Lalo nang nadebelop ang takot ko sa kabaong nang lumipat kami ng tirahan noong nasa high school ako sa probinsiya. Paano ba naman ang nilipatan namin ay malapit sa gawaan ng kabaong.
Para makarating sa amin ay walang ibang dadaanan kundi ang “kabaungan’’ na nag-iisa sa aming lugar.
Naihinga ko sa aking tatay at nanay ang nadaramang takot sa kabaong. Napailing-iling ang aking tatay. Wala silang magawa. Sabi ko kay Tatay, puwede bang sa ibang lugar kami tumira? Yung malayo sa kabaungan?
Sabi ni Tatay ang inuupahan naming bahay ay mura at libre pa ang tubig.
Wala akong nagawa. Tiniis ko ang takot kapag dumadaan sa kabaungan. (Itutuloy)
- Latest















