^

Punto Mo

Intelligence gathering ng Indonesian police nakakabilib

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

AYAN na nga at naaresto na ang sinibak na si dating Mayor Alice Guo.

Nakakabilib talaga ang Indonesian police dahil ang matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad sa Pinas, mistulang agad nilang  natutumbok,  ang bilis at maging ang kanilang intelligence gathering sakto.

Ngayong inaasahang maiuuwi na sa bansa si Guo para harapin ang kanyang mga kaso, sana ay maisama sa pagbusisi ang mga tao na tumulong sa pagtakas nito.

Galit na galit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa insidenteng ito.

Ayon nga sa kanya hindi titigil ang pamahalaan para hindi sila mapanagot.

Hindi lang umano sisibakin ang mga ito kundi kakasuhan pa.

Sa panig ng DOJ, inamin ni Secretary Jesus Crispin Remulla na may sama siya ng loob at hindi na n’ya kinakausap si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco.

Ito’y matapos umano na hindi agad nito inimpormahan ang DOJ hinggil sa paglabas ng bansa ni Guo at iba pang  kasamahan nito.

Hindi nagustuhan ng kalihim ang tila ginawang pagtatago ni Tansingco sa insidente na dapat sana’y nalaman kaagad ng DOJ.

Naniniwala ang kalihim na marahil umano ay matagal nang alam ng komisyuner ang pagpuslit bago pa lumabas ang balita.

Hindi nga ba’t habang naninindigan si Remulla na nasa bansa pa si Guo, kinumpirma naman ni Senator Risa Hontiveros na nakalabas na ito ng bansa.

Kinabukasan saka lang kinumpirma ng BI ang pagkapuslit nina Guo.

Malamang talaga na may gugulong na ulo sa insidenteng ito.

Yan ang ating aantabayanan.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with