^

Punto Mo

Pekeng immigration stamps, dumarami

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nababahala na ang Bureau of Immigration (BI) sa duma­raming gumagamit ng pekeng immigration stamps.

Ito’y matapos na apat pang trafficking victims ang nasabat ng mga immigration officers habang nagtatangkang umiwas sa immigration clearance gamit ang pekeng departure stamps.

Unang nasabat ng mga BI officers sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang 40-taong gulang na lalaki na nagtatangkang sumakay ng Cathay Pacific  flight patungong Hong Kong. Nagpri­sinta umano ito ng pasaporte na may kahina-hinalang immigration departure stamp.

Napilitang umamin  ng biktima na inalok siya ng trabaho ng babaeng recruiter na nakilala lang niya sa FaceBook.

Nasa P120,000 na processing fee ng kanyang binayad at pinangakuan siya na madaling makalalampas ng immigration nang hindi nabubuking ang kanyang tunay na intensiyon.

Naharang din ng mga BI officers ang tatlo pang trafficking victims, na kinabibilangan ng isang 32-anyos na babae at dalawang lalaki, na nagkaka-edad ng 27 at 24-anyos.

Pasakay na sana ang mga ito ng Jetstar flight patungong Singapore, ngunit pinigil sila dahil sa kahina-hinalang tatak sa kanilang mga pasaporte.

Nagpanggap pa umano ang mga ito na magkakaibigang bibiyahe patungong Cambodia upang maglibang ngunit malaunan ay nabuking na-recruit upang magtrabaho bilang call center agents doon, kapalit ng P50,000 salary para sa 12-hour shift.

Ayan kasi marami rin naman sa ating mga kababayan ang hindi na natuto sa naging kapalaran ng iba na ni-recruit  lang sa FB.

Alam na alam din naman nila na ilegal ang pagproseso sa kanilang mga dalang dokumento pero kumakagat pa rin at nakikipagsapalaran pa.

Sabihin nang nakalusot sa immigration, mas malaking problema pagdating nila sa ipinangakong trabaho sa ibang bansa.

Gumastos na, naloko pa.

Hindi nga ba’t karamihan sa naging biktima ng human trafficking ay kalbaryo ang kanilang kinasadlakan?

Kinukuwartahan lang sila ng mga kawatang recruiter.

Ayon nga kay BI Commissioner Norman Tansingco, hinala nila na ang mga biktima ay ni-recruit upang magtrabaho sa mga scam hubs sa ibayong dagat, na nagkukunwaring call centers.

 Tandaan na hindi tumitigil ang sindikato at patuloy sa kanilang panlilinlang.

Dapat naman na matukoy na agad ng mga awtoridad ang mga  grupong ito para maprotektahan ang ating mga kababayan.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with