^

Punto Mo

Flood control funds, saan napunta!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

LUBOG ang ilang parte ng Metro Manila at kalapit na lugar dahil sa pananalasa ng Bagyong Enteng. Kaya nagtatanong si Sen. Joel Villanueva kung saan napupunta ang bilyun-bilyong pondo ng gobyerno sa flood control projects? Kasi nga naman sa kanyang nakaraang SONA, sinabi ni President Bongbong Marcos na naglaan siya ng P550 bilyong pondo para sa pagkontrol ng baha sa Metro Manila at kalapit na lugar. Kung ganun pala at malaking pondo ang nilaan sa flood control e bakit nang nanalasa si Enteng ay marami pa ring lugar sa Kalakhang Maynila at karatig probinsya ang lubog sa baha? Anyare? Hindi nabawasan ang baha e ang pondo kaya kumusta naman? Baka naman tinangay ng bagyo ang pondo? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Dipugaaa!

Kaya’t ang katanungan na umiikot sa ngayon ay saan napupunta ang bilyun-bilyong pondo para sa flood control? May kasagutan kaya rito ang DPWH, at iba pang ahensiya ng gobyerno ni BBM? Sanamagan! Habang tumatagal ang gobyerno ni BBM, ay lumalaki rin at lumalawak ang problema ng baha. Sanamagan! Puro lip service lang ba ang programa ng gobyerno patungkol sa baha? Mukhang tahimik o natutulog ang gobyerno ni BBM, lalo na ang DPWH, at hindi matugunan ang malawakang pagbaha. Araguyyy! Kailangan pa kayang dumami ang bilang ng Pinoy ang malagas at mga ari-arian ang masisira bago magkaroon ng tumpak na desisyon ang gobyerno ni BBM para masolusyunan ang problemang ito? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Bumisita si Villanueva sa mga binaha na lugar sa Metro Manila at kumalat sa social media ang video kung saan nagpahayag ng pagkadismaya ang senador sa palagiang baha sa Metro Manila at kalapit lugar. Ayon kay Villanueva, noong mga nakalipas na taon, hanggang bukong-bukong lamang ang baha sa Metro Manila at karatig na lugar. Ngunit noong isang taon naging hanggang baywang na ito at sa ngayon ay lampas tao na. “Alam n’yo ba na bilyon sa isang araw ang pondo ng DPWH sa flood control alone? Eh nasaan ‘yun,” ang nakakapag-isip na katanungan ni Villanueva. May punto si Villanueva, di ba mga kosa? “Hindi ‘yun this year, eh last year pa. Dalawang taon na po,” ang dugtong pa ni Villanueva patungkol sa pondo para sa flood control. Kaya tahasang sinabi ni Villanueva na palpak ang national government sa programa nito patungkol sa baha. “Hindi puwedeng ganito,” ang giit pa ni Villanueva. Kailan kaya magiging seryoso ang BBM admin na masolusyunan ito? Araguyyy! Tsk tsk tsk! Kapag lubog sa baha ang Metro Manila at kalapit na lugar, tiyak lugi rin ang negosyo. Tumpak!

Halos dalawang araw ng binayo ng bagyong Enteng ang Metro Manila at karatig na lugar at maraming napinsalang pananim at mga kabahayan. Maraming lugar ang lubog sa baha, at ilan sa kanila ay hindi naman dati binabaha. Tumataas na rin ang bilang ng mga nagbuwis ng buhay at apektado ng pagbaha sa maraming lugar. Hindi naman nagkulang ang gobyerno ni BBM sa pagpamudmod ng ayuda at kung anu-ano pa para matulungan ang mga nasalantang Pinoy. Pero ang ayuda ay panandaliang solusyon lamang at nangangailangan din nang malaking pondo. Ayuda kaya ang gusto nila para may exposure ang mga pulitikong tatakbo sa susunod na taon? Siguro naman mas nararapat na mabigyan nang permanenteng solusyon ang taun-taon na lamang problema para sa mga Pinoy. Hindi na siguro kailangan ng Senate investigation para makahanap ng kasagutan dito. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment

FLOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with