^

Punto Mo

Maid of Honor (227)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGULAT si Inah nang sabihin ni Rocky na nakilala na nito ang babaing minamahal at handang pakasalan.

“Puwede ko bang makilala ang babae Kuya?’’

“Oo.’’

“Kilala ko ba siya?’’

“Oo. Kilalang-kilala mo siya?’’

“Maganda ba siya Kuya?’’

“Napakaganda niya at napakabait!’’

“Tagarito rin ba siya sa resort?’’

“Oo.’’

“Sino ba siya Kuya?’’

Ngumiti muna si Rocky bago nagsalita.

“Ikaw ang babaing yun, Inah! Ikaw ang babaing pakakasalan ko—ikaw ang babaing gusto kong makasama habang buhay!’’

Hindi nakapagsalita si Inah. Hindi siya makapaniwala. Totoo ba ang sinabi ni Kuya Rocky.

“Kuya hindi ka ba nagbibiro? Kasi kung minsan nagbibiro ka—hindi ko alam kung nagsasabi ka nang totoo o hindi.”
“Totoo lahat ang sinabi ko, Inah. At para maniwala ka na totoo ang mga sinabi ko, mayroon akong ibibigay sa’yo,’’ at may dinukot sa kanyang bulsa si Rocky. Isang maliit na box na may laman na singsing. Kinuha ni Rocky ang singsing sa box at saka inabot ang kaliwang kamay ni Inah. Isinuot sa daliri nito ang singsing.

Habang ginagawa ni Rocky ang pagsusuot ng singsing ay tumutulo ang luha ni Inah.

Wala naman silang kamalay-malay na bini-bideohan pala ni Darwin ang mga nangyayari. Capture na capture lahat ang mga ginawa ni Rocky kay Inah.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with