^

Punto Mo

EDITORYAL - Nalusutan ang PNP at Bureau of Immigration

Pang-masa
EDITORYAL - Nalusutan ang PNP at Bureau of Immigration

SABI ni Sheila Guo, kapatid ng pinatalsik na Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa pagdinig ng Senado kahapon, nakalabas umano sila ng bansa sa pamamagitan ng pagsakay sa maliit na puting bangka at nagpalipat-lipat sa iba pang sasakyang dagat. Si Sheila at Cassandra Li Ong ay nadakip ng Indonesian immigration sa isang mall sa Batam, Indonesia noong Agosto 20. Nakatakas naman si Alice Guo at pinaghahanap pa rin ng Indonesian authorities sa Batam. Ibinalik sa bansa sina Sheila at Cassandra noong Agosto 23. Nasa pangangalaga sila ng National Bureau of Investigation (NBI). Si Sheila ay corporate secretary ng kompanyang pag-aari ng kapatid na si Alice samantalang si Cassandra ay representative ng Lucky South 99, kompanyang nagpapatakbo sa POGOs sa Bamban.

Sa kabila na sinabi na ni Sheila kung paano sila nakalabas ng Pilipinas, maraming dapat ipaliwanag ang Bureau of Immigration (BI) at ang Philippine National Police (PNP) mismo. Isang malaking kahi­hiyan na nalusutan sila. At kung hindi sa Indonesian authorities baka hanggang ngayon ay hindi pa nahu­huli sina Sheila at Cassandra. Mas matinik ang Indo­nesian immigration kaysa Philippine immigration. Kakahiya!

Noong Hulyo 17 pa nakalabas ng bansa sina Alice Guo at mga kasama. Ibig sabihin, habang nagsasa­gawa ng pagdinig ang Senado ukol sa kanya, wala na ang mga ito at naglilimayon na sa Malaysia, Singapore at Indonesia. Sabi ni Sen. Risa Hontiveros na nagbunyag na wala na sa bansa si Alice Guo, mistulang nag-reunion daw ang pamilya nito sa Singapore at sumakay pa ng cruise ship.

Makaraang madakip sina Sheila at Cassandra, sinabi ni Sen. Win Gatchalian na maraming dapat ipaliwanag ang BI kung paano nakalabas ng bansa ang magkakapatid na Guo at si Cassandra. Pati raw ang Civil Aviation Authority ay dapat magpaliwanag.

Nagbanta naman si President Ferdinand Marcos Jr. na may “gugulong na ulo” sa nangyaring pagtakas ni Alice Guo at mga kasama. Mayroon daw BI official na alam na noon pa ang kinaroroonan ni Guo pero inilihim ito. Dapat maimbestigahan kung sino ang BI official at kapag napatunayan, “pagulungin ang ulo” para maghatid ng aral. Dapat may masampolan sa pagkakataong ito!

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with