^

Punto Mo

Tattoo ng pulis, pinabubura ni Marbil!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

PINABUBURA ni PNP chief Rommel Francisco Marbil ang mga tattoo ng aabot sa 220,000 kapulisan. Kung sa tingin ng mga pulis ay decorative ang mga tattoo nila, iba ang pananaw dito ni Marbil. Tuluyan nang winalis ni Marbil ang mga tattoo ng mga pulis sa pagbaklas niya ng moratorium na pinapayagan sila na mag-display ng kanilang mga tattoo. Inutusan niya ang mga may­roong tattoo na tanggalin ito sa loob ng tatlong buwan. Araguyyy!

Hindi lang ‘yan, sa mga gustong magpulis diyan, ayaw na ni Marbil ang mga aplikante na may tattoo. Eh di wow! Kaya burahin n’yo na ang mga naka-display n’yong tattoo kung nais n’yong mag-apply sa PNP. Get’s n’yo mga kosa? ‘Wag nang malungkot ang police applicants dahil wala namang sinasanto ang kautusan ni top Cop dahil kasama na rito ang aplikante sa PNP Academy at maging sa lateral entry. Dipugaaa!

Sana ‘wag nang sumakay sa isyu ang mga pakialamerong pulitiko na ang habol ay media exposure. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sinabi ni PIO at PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na ipinagliban ni Marbil ang pagpatupad ng “no tattoo rule” noong Hulyo 3 dahil sa request ng mga pulis na may existing visible tattoo. Idi­nagdag pa ni Fajardo na dahil winalis na ni Marbil ang memorandum, ang mga pulis na may tattoo ay magsusumite ng undertaking kung saan idedeklara nila ang kanilang tattoo, kung saan ang location nito, kasama na ang size.

Ipadadala ang nakalista nilang tattoo sa opisina ni Health Service director Brig. Gen. Jezebel Medina para mapasama sa kanilang health profiles. Para naman sa visible at unauthorized tattoos, ipinabubura ito ni top Cop sa loob ng tatlong buwan,” ani Fajardo. Sanamagan! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ehem, ehem! Kasalukuyang nagpupulong ang Technical Working Group ng PNP para sa ipalalabas ng guidelines para sa pagtanggal ng visible tattoos ng mga aktibong pulis, ang dagdag pa ni Fajardo. Nakausap na niya si Medina na nagsasabing wala silang sapat na kagamitan para sa tattoo removal at hindi nila papatulan ito dahil sa medical concerns. Kaya ang malinaw dito mga kosang pulis na may tattoo, sa private institution n’yo ipatatanggal ang inyong unauthorized tattoo. Araguyyy! Gastos na ang pagpa-tattoo, gastos din ang pagpabura nito. Dipugaaa! Ang sakit sa bangs nito. Ano pa nga ba?

Ang problema pa, ayon kay Fajardo ay kung tumpak lang ang prescribed period para sa pagpatanggal ng tattoo dahil may ilang pulis na may maraming visible tattoos.

“Unang una what if kung itong particular PNP personnel ay meron siyang visible tattoos not 1, not 2 but more than that. Sabay-sabay ba itong tatanggalin eh merong medical and health issues doon.,” ang pagpaliwanag ni Fajardo. “So as to the HS ay nag-fo-formulate pa rin sila ng specific procedure on how to proceed with the removal ng mga unauthorized tattoos,” giit ni Fajardo. Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang talaga!

Ipinaliwanag pa ni Fajardo na dahil kagustuhan ng mga pulis na magpa-tattoo, natural lang na sagutin nila ang gastusin para burahin ang mga ito.“Since you opted to bear tattoos upon your entry to the PNP, it presupposes that it’s a personal choice, hence, the expenses for the removal should not be shouldered by the PNP,” ang giit pa ni Fajardo. Mismooo! Ang ayaw namang sumunod sa kautusan ni Marbil ay sasampahan ng kasong administratibo. Ano ba ‘yan? Abangan!    

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with