^

Punto Mo

Puwede bang magreklamo ng illegal dismissal?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

In-extend po six months ago ang probationary period ko pero ngayon ay sinabihan akong hindi pa rin daw ako pasado sa evaluation para ma-regularize. Puwede po ba akong mag-reklamo ng illegal dismissal? Halos isang taon na rin po ako sa kompanya matapos po i-extend ng six months uli ang probationary period ko para raw magkaroon uli ako ng chance na maging regular. —Len

Dear Len,

Bilang general rule, hanggang six months lang talaga ang probationary period. Kung hayaan ng employer na pumasok sa trabaho ang probationary employee matapos ang nasabing anim na buwan ay ipagpapalagy na siyang isang regular employee sa ilalim ng batas.

Ngunit may exception sa general rule na iyan at ang isa sa mga exception ay kapag napagkasunduan ng employer at probationary employee na i-extend ang probationary period kung ang huli ay hindi pumasa sa standards para siya ay ma-regularize. Sa ganyang pagkakataon ay hindi ipagpapalagay na na-regularize na ang empleyado kahit higit na sa anim na buwan ang itinatagal niya sa trabaho.

Nabanggit mo na in-extend ang iyong probationary period. Kung in-extend ang probationary period mo upang ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na makapasa sa standards ay hindi mo maaring sabihin na ikaw ay illegally dismissed.

Walang illegal dismissal kung ikaw ay isa pa ring proba­tionary employee at kung ang tanging dahilan ng pagkakatanggal sa iyo ay ang hindi mo pagpasa sa standards para ma-regularize. Hindi mo rin maaring gamitin laban sa employer mo ang pag-extend ng iyong probationary period dahil hindi naman ito obligasyon ng mga employer at ginagawa lamang ito upang mabigyan ng pagkakataon ang mga probationary employees na mapatunayang karapat-dapat sila para ma-regularize sa kanilang posisyon.

ILLEGAL DISMISSAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with