^

Punto Mo

EDITORYAL - Marina officials na nagpabaya sa tungkulin

Pang-masa
EDITORYAL - Marina officials na nagpabaya sa tungkulin

Grabeng pinsala sa kabuhayan at kapaligiran ang inihatid ng MT Princess Empress makaraang lumubog noong Pebrero 2023 sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental Mindoro. Tumapon mula sa tanker ang 800,000 litro ng bunker fuel at naapektuhan ang maraming bayan sa Oriental Mindoro particular ang Pola, Naujan, Pinamalayan, Gloria, Mansalay at Roxas. Ayon sa report, P41 bilyon ang pinsala ng oil spill. Ito umano ang pinakamalaking pinsala ng oil spill sa kasaysayan ng bansa. Ayon sa mga eksperto, matatagalan pa bago tuluyang maalis ang nakakapit na langis sa dalampasigan lalo pa’t mayroon pang tumatagas sa tanker.

Kaya makatwiran lamang ang ginawa ng Department of Transportation (DOTr) na pagsibak sa mga opisyales ng Maritime Industry Authority (MARINA) dahil sa nangyaring kapinsalaan dahil sa paglubog. Kung tutuusin, dapat noong isang taon pa inalis sa puwesto ang dalawang MARINA officials na napatunayang nagkaroon ng masamang pangangasiwa at pagpapabaya sa tungkulin sa paglubog ng Princess Empress.

Ipinag-utos ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang pagsibak sa mga opisyales ng MARINA Region V na sina Director Jaime Bea at Engr. Jose B. Buban. Ayon kay Bautista, napatunayang guilty sa grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of service sina Bea at Buban.

Ayon kay Bautista, nagdulot ng milyong pisong pinsala sa pamahalaan at private stakeholders at nagresulta rin upang madungisan ang imahe at integridad ng maritime administration ang ginawa ng dalawang opisyales. Agarang ipinatupad ni Bautista ang pagpapatalsik sa dalawa. Magsilbing babala sa iba pang MARINA officials ang nangyari.

Sa kabila naman na naalis na sa tungkulin ang MARINA officials, nanatili namang walang hatol sa mga may-ari ng MT Princess Empress. Ayon sa mga isi­nagawang imbestigasyon, hindi kargahan ng langis ang Empress at ni-repair lamang sa isang shipyard sa Navotas. Hanggang ngayon din, wala pang natatanggap na kabayaran ang mga mangingisda sa Oriental Mindoro na naapektuhan ng oil spill. Hindi rin umano nakikipag-cooperate ang may ari ng MT Princess Empress.

Noong Hulyo 24, 2024, lumubog ang MT Terra Nova sa Limay, Bataan at nagtapon din ng langis. Pero sabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nakontrol na umano ito. Nakapagtataka naman kung paano nakapaglayag ang tanker gayung masama ang panahon dahil sa habagat at Bagyong Carina. May sagutin din kaya ang MARINA sa paglubog ng MT Terra Nova?

vuukle comment

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with