^

Punto Mo

EDITORYAL - Walang POGO na maiiwan

Pang-masa
EDITORYAL - Walang POGO na maiiwan

MALINAW ang sinabi ni President Ferdinand Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes na ipatitigil ang lahat nang Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs) sa bansa. “Kailangan nang itigil ang panggugulo nito sa ating lipunan at paglalapastangan sa ating bansa,’’ sabi ni Marcos. Inatasan niya ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na bago matapos ang 2024 ay wala na lahat ang POGOs.

Ang pag-aanunsiyo ni Marcos sa pag-ban sa POGO ay umani ng sigawan at standing ovation. Sabi pa ng Presidente, naririnig daw niya ang malakas na sigaw ng mamamayan laban sa POGOs.

Kasabay sa pagpapatigil ng POGO, inatasan din naman niya ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ihanap ng trabaho ang mga Pilipino na apektado sa pagpapatigil ng POGO. Ayon sa report, 40,000 Pilipinong manggagawa ang mawawalan ng trabaho sa pagbuwag sa POGOs. Kumikilos na ang DOLE.

Nakinig si Marcos Jr. sa sigaw ng mamamayan laban sa POGOs. Ngayong mawawala na ang “salot” na POGOs sa bansa, makatitiyak nang magkakaroon ng katahimikan sa bansa. Mula nang mag-operate ang POGO noong 2017 sa panahon ng Duterte administration, nasakmal ng takot ang mamamayan sa dami ng krimen kabilang ang kidnapping, money laundering, human trafficking, prostitution, investment scams at kung anu-ano pang illegal na aktibidad na ang front ay POGO.

Ang nakadidismaya, walang naitulong ang POGO sa pag-unlad ng ekonomiya. Niloko ng POGO ang pamahalaan sapagkat walang naiakyat na tulong sa pananalapi. Marami sa POGO ang hindi nagbabayad ng buwis. Sila lang ang nakinabang.

Inagaw pa ng mga illegal POGOs ang serbisyo ng mga korap na pulis sapagkat ginagawang bodyguard ang mga ito. Maraming POGO officials ang nagha-hire ng sundalo at pulis para sila bantayan. Ang POGO rin ang dahilan kaya maraming naging korap sa Bureau of Immigration. Ginatasan ang mga Chinese sa pamamagitan ng “pastillas scam”.

Ngayong durog na ang POGO, makakabangon na ang bansa sa bangungot. Hindi naman dapat igiit ng PAGCOR na i-spared ang 12 POGOs kagaya ng inihayag ni Chairman Alejandro Tengco sapagkat may kontrata raw ang mga ito. Maliwanag ang kautusan ng Presidente sa pag-ban sa lahat ng POGOs. Hindi ito dapat suwayin.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with