^

Punto Mo

‘Kumot’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Last part)

Nagkaroon nang malaking papel sa aking buhay ang pagiging “kumot collector”. Hindi ko akalain na ang aking mga kumot ang magliligtas sa aking buhay. Hindi ko malilimutan ang pangyayaring iyon na magpahanggang ngayon ay nagdudulot pa rin sa akin ng takot. Pero kapag nakikita ko ang koleksiyon ng aking mga kumot, napapawi ang bangungot.

Nagtrabaho ako sa Taiwan. Maganda ang trabaho ko roon at malaki rin ang suweldo.

Maganda ang aking tirahan at sagot lahat ng kompanya ang aking pangangailangan. Sa kompanyang iyon ako nagtagal at nasabi ko sa sarili na iyon na ang permanente kong trabaho. Hindi na ako lilipat sa iba pa.

Isang gabi, mahimbing akong natutulog sa aking tirahan nang bigla akong makaamoy na nasusunog. Nasa ikatlong palapag ako ng hotel.

Nang buksan ko ang bintana, saka ko nalaman na nasusunog na ang tinitirahan kong hotel. Sa isang iglap, napuno na ng usok ang kuwarto. Gumapang ako. Hindi ko alam ang gagawin. Tanging ang bintana ang maari kong pagdaanan.

Isang paraan ang aking naisip. Binuksan ko ang cabinet ng damit at kinuha ang aking mga kumot. Pinagkabit-kabit ko ang mga iyon. May sampung kumot iyon.

Nang maikabit lahat, itinali ko ang kabilang dulo sa haligi at ang kabilang dulo ay sa aking baywang. Pagkatapos ay umakyat ako sa bintana at dahan-dahang nagpadausdos. Bumangga ang katawan ko sa mainit na pader pero tiniis ko. Hanggang sa unti-unti akong makababa at nakita ng mga bumbero at nailigtas. Dinala ako sa ospital.

Hindi makapaniwala ang mga bumbero kung paano ako nakaligtas. Utang ko sa mga kumot ang aking buhay.

KUMOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->