^

Punto Mo

‘Kidlat’ (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAYROON akong astraphobia o takot sa kidlat. Nagsimula ang takot ko sa kidlat noong ako ay bata pa at hanggang ngayong ako ay 50-anyos at may asawa na at mga anak ay taglay ko pa rin ang pagkatakot sa kidlat. Hindi na nawala ang takot ko sa kidlat at lalo pa yatang nadadagdagan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdamang pagkatakot sa kidlat.

Marami akong hindi malilimutang karanasan sa kidlat at ito ang isa-isa kong ilalahad. Siguro ay marami ang makakaunawa sa akin lalo na ang mga may takot din sa kidlat.

Noong ako ay nasa elementarya pa sa aming probinsiya, hindi ko malilimutan ang pangyayari na napasubsob ako sa ilalim ng aming desk dahil sa pagkatakot sa nagsasalimba­yang kidlat at saka sasabayan nang malakas na kulog.

Maski tapos na ang kidlat ay nananatili pa rin ako sa ilalim ng desk. Kung hindi pa ako hinatak ng aming guro ay hindi ako mapapaalis sa pagkakatago sa ilalim ng desk. “Halika na Virginia, tapos na ang kidlat,’’ sabi ng aming babaing guro.

Saka lamang ako aalis sa pagkakatago. Pero kahit wala nang kidlat, nanginginig pa rin ako sa takot.

Ang sumunod na karanasan ko sa kidlat ang nakakatakot. Akala ko, mamamatay na ako. (Itutuloy)

LIGHTNING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with