Pinakamabilis na drone sa mundo, naimbento ng father-and-son tandem sa South Africa!
ISANG mag-ama sa South Africa ang nakapagtala ng world record matapos silang makabuo ng pinakamabilis na drone sa buong mundo.
Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang mag-amang sina Mike at Luke Bell ang nakagawa ng Peregreen 2, ang pinakabagong record holder ng titulong “Fastest Ground Speed by a Battery-powered remote-controlled quadcopter”. Ang naturang drone ay may bilis na 298.47 miles per hour (mph).
Ayon sa mag-ama, ang kanilang drone ay gawa sa 3D-printed carbon fiber. Battery-operated ito at pinatatakbo sa pamamagitan ng remote control. Bukod sa kanilang dalawa, tumulong din sa pagbuo nito ang aerothermal engineer na si Chris Rosser.
Si Mike Bell ay isang architect na nagdisenyo ng Mbombela stadium kung saan naganap ang 2010 FIFA World Cup. Ang kanyang anak na si Luke ay isang YouTuber na nagre-review ng mga camera at drones sa kanyang mga social media accounts.
- Latest