^

Punto Mo

Baby sa Ghana, tinaguriang ‘pinakabatang pintor’ sa mundo!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang one year old na baby sa Ghana ang nakapagtala ng world record dahil sa kaya na nitong magpinta sa murang edad!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Ace Liam ang pinakabagong world record holder ng titulong “Youngest Artist (Male)” dahil sa kakayahan nitong gumawa ng painting sa edad na one year old and 152 days old.

Ayon sa ina ni Ace na si Chantelle Eghan, six months old pa lamang ang kanyang anak nang makitaan niya ito ng hilig sa art. Ikinuwento rin nito na upang kilalanin ng Guinness ang pagiging artist ng kanyang anak, kinaila­ngang itong lumahok sa isang art exhibit at dapat ay makabenta ito ng painting.

Naganap ang unang exhibit ni Ace sa Museum of Science and Technology sa Accra noong Enero 18-20. Sa naturang exhibit, ilan sa mga bisita nito ang humanga at bumili ng painting ni Ace.

vuukle comment

WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with