^

Punto Mo

Paano ‘magbasa’ ng ugali

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Ang taong nagdede-kuwatro ng legs pagkatapos niyang maupo  ay matatag ang ambisyon at may positibong attitude.

• Ang taong hinahaplos ang baba habang nagsasalita ay maingat sa kanilang salita at ikinikilos sa publiko.

• Ang isang taong may habit na maghalukipkip habang nakaupo o habang nagsasalita ay  mahilig maglabas ng kanyang opinyon kahit walang nagtatanong at matigas ang ulo.

• Kapag malakas humalakhak ang isang tao kahit sa hindi masyadong nakakatuwang joke, may malalim siyang kalungkutan na nararamdaman.

• Kapag ang isang babae ay laging ipinapatong ang kanyang mga kamay sa tiyan, siya ay insecure.

• Kapag ang babae ay sumandal o humilig sa lalaki, asahan mong may pakiramdam siyang “safe” siya sa iyo.

• Kapag tinakpan niya ang bibig habang ngumingiti, nag-aalala siya na baka siya husgahan ng kausap niya.

• Kapag  yumakap sa iyo ang babae, ibig sabihin ay espesyal ka sa kanya.

• Mas lalo kang nagiging attractive sa mata ng mga tao kung napapatawa mo sila.

• Kung ikaw ay laging binabara ng isang tao at pagkatapos ay palalabasin na iyon ay joke, asahan mo siya ay iyong “hater”.

• Tip # 1:  Kung may nambabara sa iyo, bigla mong ituro ang kanyang ngipin sabay sabing “O, may tinga ka.” 

• Tip # 2:  Itinuturing na ang ibang babae ay tinatawag na pattern creatures. Yung inuulit niya ang mga nagawa niyang kasalanan. ‘Yun bang hind marunong madala o magtanda. Kung noon ay nangaliwa, malaki ang tsansang uulitin niya iyon. Kung noon ay toxic, magpapahinga lang ‘yan at lalabas muli ang mga ugaling toxic sa kasalukuyan.

 

ATTITUDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with