^

Punto Mo

Halo-halo, nagdadala ng sakit! — Herbosa

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

PEBORIT talaga ng mga Pinoy ang kumain ng halo-halo para lumamig ang pakiramdam, lalo na ngayong summer dahil sa sobrang init ng panahon. Kaya lang, iwas-iwas din sa pagkain ng halo-halo mga kosa para maiwasan n’yong magkasakit. Kasi nga, pinag-iingat ni Health Secretary Ted Herbosa sa pagkain ng naturang malamig na dessert dahil may posibilidad na may maruming sangkap ito na magdudulot ng sakit. Eh di wow! Nagbibiro kaya si Herbosa? Hindi po, mga kosa!

“Watch out in eating halo-halo this summer season. Tumataas ang cases ng diarrhea,” ayon kay Herbosa. Araguyyyyy! Kaya sa mga nagtitinda ng halo-halo d’yan, siguraduhin n’yong malinis ang mga sangkap n’yo ha? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Inisyu ni Herbosa ang kanyang babala sa Kapihan sa Manila Bay forum ni Mam Ichu Villanueva noong Miyerkules kung saan siya ang pangunahing panauhin. May nagtanong kasi kay Herbosa tungkol sa kaso sa Kidapawan City kung saan may ilang residente ang nagkasakit matapos kumain ng halo-halo. Ano ba ‘yan?

Eto ang catch mga kosa. Hindi pa nakumpirma ng DOH ang report sa Kidapawan City kaya lang kung magkatotoo man ito, hindi na naninibago si Herbosa dahil ang ganitong insidente ay laganap tuwing summer season. Get’s n’yo mga kosa? Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ipinaliwanag ni Herbosa na ang bacteria ay maaring tumubo sa mga sweet ingredients, tulad ng beans, saging, sago, garbansos at iba at magdudulot ng contamination, lalo na kapag exposed ito sa ilalim ng mainit na araw. May posibilidad din na tubuan ng bacteria ang mga ito, lalo na’t sa kalye lang ito ibinebenta. Araykupooooo! Kung sa restaurant naman ito bibilhin, abayyyyy kailangang malinis ang tubig na ginagawang yelo. Tsk tsk tsk! Ang sakit sa bangs nito! Lugi ang negosyo.

Ipinaliwanag pa nh Health chief na kapag na-contaminate na ang mga sangkap sa halo-halo, maaring magdulot ito ng sakit na acute gastro-enteritis. Sanamagan! Idinagdag pa niya na ang gatas na ginagamit na isa ring sangkap ay dapat refrigerated sa lahat nang oras para maiwasang mapanis.  “Mainit ang panahon dapat galling sa refrigerator yon (milk),” aniya. Idinugtong pa niya na ang baso at iba pang utensils, tulad ng kutsara, ay dapat malinis, maging ang mga kamay ng nagbebenta ng halo-halo. Dipugaaaaa! “Yong halo-halo very complicated dami-dami puwede ma-contaminate yung ice, yong milk, baka marumi ang baso so we have to be very careful,” ang paalala ni Herbosa. Hehehe! Parang ayaw na ni Herbosa pakainin ng halo-halo ang mga Pinoy ah. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Sal-it!

Hindi lang ang pagkain ng halo-halo ang ikinahabala ni Herbosa sa panahon ng tag-init kundi maging sa paglangoy sa pampublikong swimming pools. Aniya, ang hindi malinis na tubig sa swimming pool ay maaring maging sanhi ng skin disease, pati na diarrhea, lalo na kapag aksidenteng makainom ng tubig ang mga manlalangoy. Puwede, di ba mga kosa? Nanawagan din siya sa mga Pinoy na ‘wag umihi sa mga pampublikong swimming pools. Mismooooo!

At higit sa lahat, humingi ng tulong si Herbosa sa media para isiwalat sa publiko ang mga positibong programa nila, hindi ‘yung palaging puro negatibo na lang ang lumalabas na balita. Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

SUMMER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with