^

Punto Mo

Health tips

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Sa mga motorista, uminom ng tubig bago magbiyahe at magbaon ng iinuming tubig habang nagbibiyahe. Napag-aralan ng mga researchers mula sa  Loughborough University, London: Ang pagmamaneho ng sasakyan habang nauuhaw ay kasing delikado ng pagmamaneho ng lasing o naka-drugs. Nababawasan ang driving skills kapag ang drayber ay dehydrated.

• Kumain ng mansanas araw-araw. Base sa experiment na ginawa sa mga taong 50 years old pataas na may mataas na bad cholesterol: Dinagdagan ng isang mansanas ang kanilang daily diet sa loob ng isang buwan. Pagkatapos ng isang buwan, tinesting ang kanilang dugo. Bumaba ng 40 percent ang kanilang bad cholesterol.

• Kapag may sipon, huwag pagsabayin ang dalawang nostrils sa pagsinga. Isa-isa lang at gawin ito nang hinay-hinay. Mas lalong pumapasok ang mucus sa loob ng ilong kapag malakas ang pressure na nagiging dahilan ng pagsakit ng ulo.

• Gawin mong daily drink ang gatas: fat-free milk ot low-fat milk. Napipigilan nito ang pagkakaroon ng arthritis.

• Huwag magmaneho nang naka-flip flops. Mas mabuti pang magmaneho nang nakayapak kaysa naka-flip flops.

• Sapinan ng tissue o papel ang toilet seat kapag ikaw ay gumagamit ng public toilet. Karamihan sa ating mga kababaihan ay tumutuwad na lang pag-ihi para umiwas sa pag-upo sa toilet seat. Hindi nailalabas lahat ang ihi kapag ikaw ay umiihi nang nakatuwad at masama ito dahil maaaring magkaroon ng bacteria ang naiwang ihi sa pantog. Delikado namang itaas ang paa sa toilet seat at tumingkayad, baka ikaw ay mangudngod.

 

 

vuukle comment

HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with