^

Punto Mo

111-anyos na lolo, tinawag na ‘pinakamatandang lalaki sa buong mundo’ ng Guinness!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 111-anyos na residente ng retirement home sa England ang kinilala bilang pinakamatandang lalaki sa buong mundo.

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si John Alfred Tinniswood ng Southport, England ang kasalukuyang may hawak ng world record title na “World’s Oldest Living Man” dahil sa edad nito na 111 years old.

Iginawad ang titulong ito kay Tinniswood matapos pumanaw ang previous record holder nito na si Juan Vicente Perez sa edad na 114. Ang 112 year old Japanese na si Gisaburo Sonobe sana ang sasalo sa titulo ngunit napabalitang sumakabilang buhay na rin ito noong Marso 31.

Nang makumpirma na si Tinniswood na ang official record holder, dinayo siya sa Southport, England ng Guinness World Record official na si Megan Bruce para personal na ibigay sa kanya ang certificate.

Si Tinniswood ay ipina­nganak noong Agosto 26, 1912, parehas na taon kung kailan lumubog ang Titanic. Sa kasalukuyan, malakas pa ang pangangatawan nito at kaya pa nito ang mga pang-araw-araw na gawain nang hindi humihingi ng tulong sa caregivers.

Sa panayam kay Tin­niswood, nagbiro ito na ang mahaba niyang buhay ay itinuturing niya na suwerte lang niya. Sa edad niyang 111, wala siyang sinusunod na special diet at kung ano ang ihain na pagkain sa kanya ay kinakain niya. Hindi siya naninigarilyo at bihira siyang uminom ng alak. Naniniwala siya na kaya malakas pa siya hanggang sa ngayon ay dahil noong kabataan pa niya ay in moderation ang lahat ng kanyang kinakain, iniinom at pag-eehersisyo.

 

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with