^

Punto Mo

Pinakamalaking swan origami sa mundo, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DALAWANG origami artist sa New York City ang nakapagtala ng bagong world record dahil sa ginawa nilang origami swan!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na sina Paul Frasco at Ryan Dong ang pinakabagong world record holder ng titulong “Largest Origami Swan”. Ito ay matapos silang makabuo ng origami swan na may sukat na 4.69m x 2.92 m x 1.09 m. Maihahalintulad ang laki ng kanilang origami swan sa isang compact sports utility vehicle.

Binuo ng dalawang artist ang origami sa Sheraton Hotel sa New York City para sa Origami U.S.A. Convention.

Ang origami ay isang ­sining na nagmula sa Japan. Ang pangunahing layunin ng origami ay ang pagtutupi ng isang piraso ng papel upang lumikha ng iba’t ibang uri ng mga hugis, mga disenyo, at mga modelo nang walang pagputol, pagdikit, o paggamit ng iba pang mga materyales maliban sa papel.

Ayon kina Frasco at Dong, gumamit sila ng isang rolyo ng photo paper na may lapad na 9 feet at haba na 35 feet. Sa paglatag pa lang nito sa sahig ay inabot sila ng 30 minuto. Inabot naman sila ng mahigit isang oras para mabuo ang swan. Ang pagbuo ng pangkaraniwan na origami swan mula sa isang bond paper ay inaabot lamang ng 60 segundo.

Kaya ginawa nina Frasco at Dong ang origami ay nais nilang ipakita sa mga tao na magandang exercise sa pag-iisip ang origami at magandang alternatibong hobby o libangan para sa mga kabataan na nahihilig sa mobile games at social media.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with