^

Punto Mo

BBM, tuldukan mo ang ‘pera-perang’ promotion sa PNP!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MADUGO rin pala ang labanan sa pagpili ng bagong chief ng Philippine National Police. Nabulgar na may mga grupo sa Gabinete na kahit hindi saklaw ang trabaho ng PNP ay nakisawsaw sa proseso kaya’t nadi-delay ang pagpili ng CPNP. At higit sa lahat, nakarating sa atensiyon ni President Bongbong Marcos na may pitsa na gumagalaw sa re-assignment at promotion ng mga police officials sa mga sensitibong posisyon sa PNP. Kaya pala bukambibig sa Camp Crame ang salitang “na Pongpong ka na ba? “Ibig kaya sabihin ay naglagay na sila sa promotions nila? Ewan ko po ‘no?

Kaya dapat kitlin na ni BBM ang pitsa-pitsa na proseso sa PNP dahil naging ugat ito ng demoralisasyon sa kanilang hanay. Kapag umiral kasi ang pitsa, hindi na public service ang nasa isipan ng nagbayad na police official kundi kung paano bawiin ang pinakawalan n’yang pera. Dipugaaaaa! Hehehe! Dapat magpadala din ng intel agents si BBM sa mga casino nang sa gayon ay t’yak matanto nya kung sinu-sino ang namimitsa sa mga pulis.’

Magkaiba pala ang “manok” ng mga grupo sa Palasyo kung sino ang iluklok na kapalit ni ex-Gen. Benjamin Acorda Jr. na ang termino ay nagwakas noong Marso 31. Kaya naglabas ng order si Executive Secretary Lucas Bersamin at inilagay bilang Officer-in-Charge si Lt. Gen. Emmanuel Peralta, na matic naman dahil bilang Deputy Chief for Administration, No. 2-man s’ya sa PNP.

Totoo kaya ang balita na may nangako kay Peralta na OIC muna s’ya, at sa susunod ay maging Acting at eventually maging permanent PNP chief? Napangakuan na gusto pang tuparin eh. Eh di wow! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kaya lang bago ang assumption ni Peralta noong Lunes, tumawag si BBM sa trusted Cabinet secretary niya at hiningi ang opinion n’ya o “manok” sa pagka-PNP chief. Tatlong pangalan ang binanggit ni peborit Cabinet secretary at ‘yan ay sina Gen. Rommel Francisco Marbil, Maj. Gen. Ronald Lee ng Directorate for Operations, at Maj. Gen. Edgar Allan Okubo, ng Directorate for Police Community Relations.

Inindorso ni peborit Cabinet official si Marbil bilang senior sa tatlo, si Lee ay puwede pang isingit dahil bata pa at si Okubo ay para i-prepare ang mga graduate ng PNP Academy sa trabaho ng PNP chief. Teka wait muna! Mukhang may nakalimutan ah? Sanamagan! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ayon sa mga kosa ko, nagulat pa si peborit Cabinet official nang isang oras matapos ang pag-uusap nila ni BBM, dumating ito sa Camp Crame at inanunsiyo na si Marbil na ang papalit kay Acorda. Siyempre, apektado si Peralta na kasama ang pamilya sa grandstand at may inimbita pang mga bisita. Bakit walang nagsabi kay Peralta beforehand na cancelled ang assumption n’ya? Tsk tsk tsk!

Subalit professional din si Peralta dahil tinapos niya ang okasyon at nasa tabi pa ni Marbil sa unang press briefing nito noong Martes.  Kaya lang, dinamdam ni Peralta ang embarrassment na inabot niya at nag-file siya ng one-month leave. Tsk tsk tsk! Si Peralta ay magreretiro na sa darating na Agosto. Sal-it! Sakit sa bangs nito.

Sa pag-akyat ni Marbil sa trono ng PNP, sinira niya ang myth na puro FBI lang ang magiging PNP chief sa termino ni BBM. Si Marbil ay tubong Tarlac. Kaya sa mga hindi FBI diyan sa PNP, may pag-asa pa kayong maging CPNP. ‘Gamitin lang ang service record at huwag ang pitsa. Mismooooo! Abangan!

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with