^

Punto Mo

Gen. Peralta, nabiktima ng April Fools Day!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MUKHANG napaglaruan ng tadhana si Lt. Gen. Emmanuel Peralta, ang No. 2-man ng Philippine Natonal Police. Hamakin n’yo mga kosa, minuto na lang at mag-aassume na bilang Officer-in-Charge (OIC) ng PNP si Peralta subalit biglang naudlot pa. Abot kamay na eh! Ayon sa mga kosa ko, hindi ‘ata nakapirma ng isa man lang na dokumento si Peralta bilang OIC ng PNP. Sanamagan!

Ang natandaan ni Dipuga na huling naging OIC ng PNP na si Vic Danao ay inabot din ng buwan, at nasilayan pa n’ya ang 2022 elections. Get’s n’yo mga kosa? Anyare? Nabiktima kaya si Peralta ng April Fools Day? Araguyyyyy! Tsk tsk tsk! It’s a prank para kay Peralta? Sa termino lang ni President Bongbong Marcos nangyari itong big joke na nalasap ni Peralta, di ba mga kosa? Ano pa nga ba! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Si Peralta ay nahirang na OIC ng PNP sa kautusan ni Executive Secretary Lucas Bersamin epektib March 31, ang araw na matapos ang extension ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. Dahil nga tapos na ang termino ni Acorda, ang unang program na ikinalat ng PNP ay ang assumption of office ni Peralta bilang OIC noong Lunes, na nagkataon namang April Fools Day. Mismooooo!

Siyempre, natuwa si Peralta at abot-kamay na niya ang pangarap. Kaya isinama pa n’ya ang kanyang pamilya para saksihan ang promotion kung saan si BBM mismo ang guest of honor. Kaya lang ang kasayahan ni Peralta at pamilya n’ya ay nalusaw na parang bula. Dipugaaaaa!

Ang siste kasi, dumating ang taga-Palasyo na may dalang order ni Gen. Rommel Francisco Marbil, na itinalagang bagong PNP chief kapalit ni Acorda. Kaya imbes na assumption ni Peralta, napalitan ang programa ng retirement honors ni Acorda at turnover of command para kay Marbil. Naitsapuwera si Peralta.

Kahit nawala man sa limelight si Peralta, na-maintain n’ya ang composure at stay put lang siya sa buong programa ganundin ang kanyang pamilya. Hindi gumawa ng iskandalo si Peralta at kanyang pamilya.

Maaring may sama ng loob si Peralta subalit tinanggap niya nang maluwag sa puso ang kanyang kapalaran. Kaya palakpakan natin si Peralta, mga kosa dahil sa ipinakita niyang professionalism. Ang kainaman lang, klasmeyt din niya si Marbil sa PMA “Sambisig” Class ’91. Balik No. 2-man si Peralta. Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang nangyari kay Peralta ay hindi naitago sa police officials na dumalo sa seremonya. Naawa sila sa No. 2- man nila at kanyang pamilya. “Kawawa si Bong Peralta. Parang napaglaruan. Nandon na ang pamilya niya at nakaupo sa grandstand,” anang isang kosa ko. May ilan naman na naglabas ng hinanakit sa Palasyo. “Sad how they don”t value other people’s feelings,” aniya. Ang sakit sa bangs nito!

Maging si Marbil ay mukhang nagulat din sa biglaang turnover ceremony kahit nakita sa mukha n’yang excited siya. Pinasalamatan niya si BBM, DILG Secretary Benhur Abalos, Bersamin at higit sa lahat ay ang Poong Maykapal sa paghirang sa kanya bilang PNP chief. Teka nga pala, parang hindi binanggit ni Marbil si House Speaker Martin Romualdez ah? Baka personal niyang pasasalamatan. Mismooooo!

Nagkaroon ng first command conference si Marbil kahapon sa Camp Crame kung saan ni-lay down niya ang kanyang program of action para ipatupad ng 17 Regional Offices, 102 city at provincial police offices, at 1,824 city at municipal offices. Abangan!

APRIL FOOLS DAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with