^

Punto Mo

EDITORYAL - Hanggang kailan aangkat ng bigas?

Pang-masa
EDITORYAL - Hanggang kailan aangkat ng bigas?

ANG Pilipinas ang numero unong importer ng bigas sa mundo. Ikalawa ang Indonesia, pangatlo ang China at pang-apat ang European Union. Noong nakaraang buwan, nasa 886,963 metriko tonelada ng bigas ang naangkat ng Pilipinas. Kalahati niyan ay galing sa Vietnam. Ang natitirang kalahati ay inangkat mula sa Thailand, Pakistan at India.

Dati, ang Pilipinas ay nag-export na ng bigas noong 1968 hanggang 1970 at naulit noong 1977 hanggang 1980. Hindi na ito naipagpatuloy mula noon. Nagkaroon ng mga problema at hindi na sinubukan pang tugunan ng mga naging Presidente ng bansa. Hanggang sa umasa na lamang sa pag-import. Tinalo ng Vietnam ang Pilipinas sa rice production sa kabila na dinurog ng digmaan ang nasabing bansa noong noong dekada 60. Ang Vietnam ang number one supplier ng bigas sa Pilipinas. Mas malaki ang lupang sakahan ng Pilipinas kaysa Vietnam.

May malaking problema sa sector ng agrikultura kaya hindi makapag-produce nang sapat para sa ­pangangailangan ng mamamayan. Hindi na nangarap maparami ang ani at nagdepende na sa imported na bigas.

Sinabi minsan ni President Ferdinand Marcos na hindi niya matanggap na nag-aangkat ng bigas ang bansa lalo’t pa’t isang agricultural na bansa. Sinabi niya ito noong 2022 nang maupong Presidente at nanungkulan ding Agriculture Secretary. Pinangako niya na magkakaroon ng pagbabago. Napabayaan aniya ang sector ng agrikultura ng mga nakaraang pamunuan. Tutulungan ang mga magsasaka para dumami ang ani. Pati ang farm to market road ay nabanggit din niyang isasaayos. Pero magkakalahati na siya sa termino, wala pa ring pag-unlad sa agrikultura at patuloy pa ang pag-angkat ng bigas.

Ngayong nananalasa ang El Niño sa bansa, walang nakikitang pagkilos sa National Irrigation Administration (NIA). Marami nang palayan ang hindi napakinabangan dahil natuyo na. Reklamo ng mga magsasaka, walang aksyon ang NIA sa kabila na may pondo para sa irigasyon. Wala raw naglalagay ng mga bomba para sa patubig gaya ng solar pump. Dahil sa kawalan ng tulong, natigang na ang mga palayan. Ang kanilang pinuhunan sa pagtatanim ay nawalang parang bula.

Habang patuloy sa pag-angkat ng bigas ang pamahalaan, patuloy naman ang mga kawatan sa pagbebenta ng NFA rice. Kamakailan lang, maraming opisyal ng NFA ang sinuspende ng Office of the Ombudsman dahil sa pagbebenta ng NFA rice sa murang halaga at hindi dumaan sa bidding. Ibinenta lamang umano sa mga pinaborang rice traders sa halagang P20 per kilo.

Hanggang kailan aangkat ng bigas? Hanggang kailan magdedepende sa imported na bigas? Dapat itong sagutin ng mga kinauukulan kasabay sa paggawa ng hakbang.

vuukle comment

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with