Grabeng init, hindi puwede ang face to face classes
NARARAPAT na hindi muna magsagawa ng face to face classes sa panahong ito na sobra ang init na pumapalo sa 42 degees. Kahapon, grabeng init na mistulang nasa oven. Ang mga bata ang kawawa kapag ipinagpatuloy ang face to face classes. Dapat mag-online na lang muna para makaiwas sa pagkakasakot sa grabeng init ang mga estudyante. May mga bata na umanong nagkakasakit dahil sa init. Nababasa ng pawis ang likod. Tapos ay bubugahan ng electric fan na mainit din naman ang hangin.
Maraming magulang ang nagtitiyagang punasan ang likod ng kanilang mga anak para hindi matuyuan ng pawis. Ang iba, nilalagyan ng bimpo ang likod ng mga anak para hindi masipssip ang pawis.
Sabi ng PAGASA, mararanasan pa ang grabeng init hanggang Mayo. At mas matindi pa raw ang init na mararanasan. Nararapat mag-ingat anh mamamayan sapagkat maaaring dapuan ng sakit.
Mas maganda kung tuluy-tuloy na lang ang online class hanggang matapos ang 2023-2024 school calendar. Huwag nang papasukin. Kawawa ang mga nasa public school na pupugak-pugak na electric fan ang gamit.
Sa nangyayaring ito, nararapat lamang na ibalik na sa dating school calendar na Hunyo-Abril ang pasukan. Ang pagbabalik sa dating school calendar ang paraan para makaiwas sa sobrang init ang mga esrudyante. Kung ibabalik sa dating school calendar, Abril at Mayo ang bakasyon. Makakaiwas sila sa init. Kung magagawa, simulan na sa susunod na school year ang pagbabalik sa dating school calendar. Huwag nang pagtagalin pa sapagkat mga estudyante ang kawawa.
- Latest