^

Punto Mo

May matatanggap ba kapag nag-early­Retirement?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kapag naka-limang taon na po sa kompanya namin, puwede na raw mag-early retirement. Pitong taon na po ako sa kompanya, may matatanggap ba ako kapag nag-resign? —Ernie

Dear Ernie,

Iba ang pagre-resign sa pagre-retire. Ang pagre-resign ay boluntaryong pagputol ng  ­empleyado sa ugnayan niya sa kanyang employer samantalang ang pagreretiro ay ginagawa alinsunod sa retirement plan ng kompanya o sa ilalim ng batas, kung walang retirement plan ang employer.

Bukod sa final pay, na kadalasan ay binubuo ng mga sahod na hindi pa natatanggap, ay wala ng ibang matatanggap ang empleyado kapag siya ay nag-resign. May retirement benefits namang matatangap ang isang nag-retirong empleyado, alinsunod sa batas o sa retirement plan ng kompanya.

Kung ang nais mo ay ang magretiro, kailangang linawin mo muna kung ano ba talaga ang mga patakaran ng iyong kompanya ukol sa early retirement. Kadalasan kasi ay bukod sa minimum na taon ng serbisyo ay mayroon din nakatakdang minimum na edad ng empleyado bago siya makapag-early retirement.

Sa ilalim ng ating batas, na mananaig kung walang retirement plan ang employer, maaring mag-early retirement ang isang empleyado kung siya ay may limang taon na sa serbisyo at hindi bababa sa 60-anyos ang kanyang edad.

Hindi mo nabanggit sa katanungan mo ang mga detalye ng retirement plan ng inyong kompanya kaya mahirap masabi kung maari ka na nga bang magretiro ng maaga. Makabubuti kung kausapin mo ang human resources ng iyong kompanya upang linawin kung mayroon nga bang policy ang inyong kompanya ukol sa early retirement at kung maari ka na nga bang magretiro at makatanggap ng benepisyo sa ilalim nito.

vuukle comment

RETIREMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with