Malaking lantern sa China, nakatanggap ng Guinness!
ISANG city sa China ang nakapagtala ng bagong world record matapos silang makagawa nang pinakamalaking lantern sa buong mundo!
Kinumpirma kamakailan ng records keeping organization na Guinness World Records na ang Luoyang City sa China ang pinakabagong world record holder ng titulong “Largest Standing Lantern”.
Ito ay matapos makabuo sila ng lantern na hugis peony na may sukat na 45.03 metres in length, 19.7 m in width, 24.84 m in height. Ito ay kasing taas ng building na may walong palapag.
Ang mismong lantern ay may bigat na 45 tonelada at mayroon itong pabigat na 40 tonelada upang hindi ito matumba. Sa gabi ay lumiliwanag ito ng iba’t ibang kulay na nagmula sa 53,000 na mga internal light source nito.
Handmade ang lantern kaya kinailangan ng 200 traditional lantern makers upang magtulung-tulong sa pagbuo nito.
Ginawa ang lantern para sa Spring Festival noong February at idinisplay ito sa Luoyang’s Peony Pavillion. Ayon sa designer ng lantern, dinesenyo ito upang maging kahugis ng red peony, ang official flower ng Luoyang city.
- Latest