^

Punto Mo

Babae sa U.S., inaresto matapos gantihan ang nambully sa kanyang anak!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 45-anyos na misis sa Texas ang inaresto nang gantihan nito ang bully ng kanyang anak!

Ayon sa Bexar County Sheriff’s Office, gumawa si Jennifer Lynn Rossi ng inumin mula sa pinaghalo-halong lemon juice, vinegar, salt at sports drink noong March 5 para dalhin ng kanyang anak sa school nito na Legacy Traditional School.

Binigyan niya ng instruction ang kanyang anak na ibigay ang inumin sa kaklase na nambully at nagnakaw sa drinks nito noong nakaraang araw. Sinunod ng bata ang instructions at napainom nito ang batang bully.

Matapos mainom ng bully ang tinimplang inumin, agad itong nahilo at sumakit ang ulo. Dinala ang bata sa ospital. Kinailangang medical monitoring nito pero mabilis din namang pinauwi ng doktor matapos magamot ang nararamdaman nito.

Agad inaresto si Rossi at ikinulong. Sinampahan siya ng kasong “injury to a child causing bodily injury”.

vuukle comment

BULLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with