^

Punto Mo

Funny quotes na may hugot

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NABASA ko lang sa social media ang mga sumusunod na sobrang nagpangiti sa akin, kasi may katotohanan:

  • Hindi lahat ng masarap, mahal! Parang ikaw, masarap naman pero di minamahal.
  • Siya pala ‘yung bago mo. Bakit ganun, mukhang luma.
  • Ang pag-ibig, parang holdapan. Nasa iyo ang desisyon kung ipaglalaban mo nang patayan. O, bibitaw ka na lang, dahil takot kang masaktan.
  • Sa panahon ngayon, itsura na lang ang habol ng iba. Kaya kapag walang humahabol sa iyo, alam mo na.
  • T.A.N.G.A. T-otoo A-kong N-agmamahal sa iyo, G-aano man kasakit A-y titiisin ko.
  • Hindi ako tamad, hinihintay ko lang na sipagin ako.
  • Masasabi mo bang matakaw ako, kung pati ang pride ko ay nilunok ko para sa iyo?
  • Matuto kang gumalang sa mas “nakakaganda” sa iyo!
  • Stop editing your pictures. What if you go missing? Paano ka namin mahahanap kung kamukha mo si Beyonce sa Facebook, pero mukhang Chewbacca sa personal? *Chewbacca ay fictional character sa Star Wars na mukhang aso.
  • Mag-reply nga, hindi niya magawa, magmahal pa kaya?
  • Past tense: hindi nag-review. Present tense: hindi nagre-review. Future tense: mangongopya.
  • Ang karma parang pelikula: kung hindi SHOWING, malamang COMING SOON.
  • Balang araw ay maaalaala mo ako. At sa panahong iyon, nakalimutan na kita.
  • Sa panahon ngayon, JOKE na lang ang totoo at ang PROMISE ay isang panloloko.
  • Huwag mo ako ikukumpara sa EX mo. Kung totoong okey siya, e di sana kayo pa rin.
  • Alam mo ba kung bakit nauuna ang letter A kaysa B? Kasi importante ang ATTITUDE kaysa BEAUTY.

vuukle comment

QUOTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with