Para-paraan para mabawasan ang timbang
• Punuin ang maliit na pinggan. Base sa pag-aaral na ginawa ni Brian Wansink, Ph.D., isang behavioral scientist and ‘mindless eating’ expert sa Cornell University Food and Brand Laboratory: Nababawasan ng 60 percent ang nakakain ng isang tao kung pupunuin niya ang kanyang maliit na plato ng lahat ng pagkaing gusto niyang kainin kasama na ang dessert. Sa kondisyong hindi na siya babalik para mag-second round.
• Ang payo ni Molly Morgan, isang registered dietitian at may-ari ng Creative Nutrition Solution sa New York, ang pag-iwas sa sawsawang ketchup, mayonnaise at iba pang special sauces ay makakabawas ng more or less 100 calories bawat araw. At kung pagsasama-samahin ang kakaunting iyon, mga 10 pound lang naman ang puwedeng mabawas sa iyong timbang per year.
• Pagbabawas ng asukal sa kape. Ang pagbabawas ng 2 kutsaritang asukal sa kapeng iinumin ay katumbas ng pagbawas ng 32 calories sa iyong katawan per day or pagbawas ng 3 pounds sa iyong timbang per year. You can just imagine na mas malaki ang mababawas na timbang kung isang tasang kape ang babawasin mo sa iyong iniinom sa maghapon—mga 15 pounds per year.
• Mas maraming prutas at gulay. Dagdagan ang kinakaing gulay at prutas. Mababa lang ang calories ng prutas at gulay kaya okey lang na dito ka magpakabusog.
• Sa halip na processed food, fresh na lang ang lutuin. Madaling makagutom ang processed foods dahil walang sustansiya. Kaya ang tendency ay lalong tumatakaw ang isang tao. Sa fresh foods, matagal kang magutom dahil sa sustansiyang taglay nito. (Itutuloy)
- Latest