^

Punto Mo

Babae, natagpuan ang matagal nang nawawalang wallet habang naglalakad sa tabing dagat!

KAGILA GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa ­Canada ang natagpuan ang nawawala niyang wallet sa dalampasigan!

Naglalakad si Marcie Callawaert at ang kanyang mga aso sa isang beach sa Tofino, British Columbia nang may mapansin siyang pamilyar na bagay sa buhangin.

Nang pinulot niya ito, hindi siya makapaniwala na ito ang nawawala niyang wallet.

Sa panayam kay Callawaert ng isang Canadian news agency, sinabi nito na nahulog sa dagat ang naturang wallet habang sumasakay siya ng barko noong June 2023.

Kuwento ni Callawaert, walang pier na malapit sa kanilang tinitirahan kaya kailangan pa niyang sumakay ng bangka para pumunta sa sakayan ng barko.

Habang nasa bangka at sumasampa siya sa barko, nahulog ang kanyang wallet mula sa bulsa ng kanyang backpack. Huli na ang lahat nang malaman na nasa tubig na ang kanyang wallet. Nagkaroon pa ng diver search para hanapin ito ngunit hindi na ito na-recover.

Hindi na siya umasa na makikita pa ito kaya laking gulat niya nang makita ito na nasa tabing dagat kung saan niya madalas ipinapasyal ang kanyang mga aso.

Ang lahat ng laman ng kanyang wallet tulad ng pera, cards at ID ay ­kumpleto at walang ­damage. Ang tanging nasira lamang ay ang zipper ng wallet.

vuukle comment

WALLET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with