^

Punto Mo

Non-compete clause, puwede bang ipa-‘void’?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nakakuha po ako ng offer mula sa kalabang kompanya ng employer ko po ngayon. Nagdadalawang-isip po akong tanggapin dahil may non-compete clause po ang aking kontrata.

Puwede po bang ipa-void ang non-compete clause? Ito lang po kasing kasalukuyang field at industry ko ang alam kong hanapbuhay.— Mark

Dear Mark,

Nakasaad sa ating Civil Code na malaya ang mga pumapasok sa isang kontrata na magtakda ng kahit anong terms o kondisyon na gusto nila, basta hindi ito labag sa batas, salungat sa moralidad at sa mga mabuting nakagawian ng ating lipunan, o taliwas sa public order at public policy.

Ibig sabihin, kailangang sundin ng mga partido sa isang kontrata ang mga probisyon na nilalaman nito, kabilang na ang mga tinatawag na non-compete clause sa mga employment contract, dahil naging malaya naman sila na tanggapin o tanggihan ang mga ito bago sila pumasok at pumirma sa kasunduan.

Maari lamang madeklarang ‘void’ o walang bisa ang isang non-compete clause kung hindi malinaw ang saklaw nito. Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Tiu v. Platinum Plans Phils. Inc. (G.R. No. 163512, 28 February 2007), hindi ipinagbabawal ang mga non-compete clause basta malinaw kung gaano katagal ang pagbabawal sa empleyado, kung para sa anong industriya ito, at kung para lamang ba ito sa isang partikular na lugar. Dapat din ay hindi labis ang itatagal ng nasabing pagbabawal.

Ngunit kung malinaw naman ang pagbabawal na nakasaad sa non-compete clause at makatuwiran naman ang tagal nito, may obligasyon ang empleyado na sundin ito dahil malaya naman siyang pumayag sa nasabing kondisyon nang pinirmahan niya ang kanyang employment contract.

Kaya kung tatanggapin mo ang sinasabi mong offer ay kailangang tanggapin mo na rin ang posibilidad na maari kang habulin at sampahan ng kaso ng dati mong employer. Kung sampahan ka man ng kaso ay nasa korte na ang pagpapasya kung void o walang bisa ba ang non-compete clause at kung ang bago mong employment ay saklaw nito.

 

EMPLOYER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with