Giant billboards, parang ‘kabute’ na nagsusulputan
Ayan na nga, mabuti at napansin na ang mga nakakalula na pagdami ng mga higanteng billboard sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
nais na kasi itong paimbestigahan ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Senate Committee on Public Works.
Sa Senate Resolution 924, nais ng senador na i-update o pagsama-samahin ang mga umiiral na batas at regulasyon na titiyak na magiging ligtas ang mga kalsada sa motorista at mga pedestrians.
Mistula nga namang hindi na nare-regulate at parang kabute na lamang na nagsusulputan ang mga giant billboard na ito sa kung saan-saan.
Bagama’t walang datos sa bilang ng mga aksidenteng naiuugnay sa billboards dahil isinasama na ito sa ilalim ng paglabag sa distracted driving, ayon pa sa senador.
Maituturing umano na anecdotal evidence, nagmungkahi na ang mga billboard ay isang distraction habang nagmamaneho.
Mas lalo pa nga naman na nagdudulot ng distraksyon at posibleng maging sanhi ng aksidente ang light-emitting diode (LED) hindi lang sa motorista kundi maging sa mga pedestrian dahil sa nakakasilaw na ilaw.
Maging sa panahon ng mga kalamidad tulad ng malalakas na bagyo at lindol ay lubhang napakapanganib ng mga ito.
Hindi na nga nasusubaybayan ang mga nagsusulputang malalaking billboard misan nakapatong na lang sa bubong ng mga bahay na konting hangin lang posibleng magdulot ng disgrasya sa nasa ibaba na maaaring mabagsakan.
Hindi na rin nasusunod ang itinatadhana ng Presidential Decree 1096, o ang National Building Code, ay nagsasaad na “walang karatula o billboard ang dapat gawin na labis na makahahadlang sa natural na tanawin ng landscape.
Marahil panahon na pata nga naman ito matignan ng mabuti para na rin sa kaligtasan ng marami na dumadaan sa mga pangunahing lansangan.
- Latest