^

Punto Mo

Palatandaan ng romance scam

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon Bernardo - Pang-masa

Kabilang sa klase ng mga panloloko sa internet  ang tinatawag na romance scam o online dating scams. Karaniwang nabibiktima ng mga cybercriminal dito ang mga taong nagha­hanap ng kaibigan o karelasyon sa mga dating apps, social media at iba pang website.

Mapapansing kadalasang narereport na ang mga biktima ng romance scam ay ninakawan o pinerahan lang ng mga cybercriminal dito pero may mga biktimang naabuso, pinahamak o nagamit sa sex slavery at ibang krimen ng taong nakilala lang nila sa social media o dating apps.

Sino man ay maaaring maging target, ayon sa mga eksperto. Wala namang nagsasabing masama ang maghanap ng bagong kaibigan o ng magiging karelasyon o kasintahan sa pamamagitan ng mga dating apps o social media pero kailangang maging maingat at mapagmatyag para hindi mapariwara at mapahamak.

Maraming naglilitawang mga palatandaan ng mga romance scam batay na rin sa karanasan ng mga nabibiktima nito.

Merong tips dito ang Kaspersky para makaiwas hangga’t maaari sa mga panganib sa romance scam.  Sa social media, huwag tumanggap ng friend requests mula sa mga taong hindi kilala. Iwasang magbahagi nang maraming personal information sa isang dating profile o sa sinumang nakaka-chat sa internet.

Maaaring samantalahin ng scammer ang mga detalye sa buhay mo tulad ng iyong pangalan o trabaho para maloko ka o manakaw ang iyong identidad.  Magiging madali sa kanya na manipulahin o lokohin ka kapag kilalang-kilala ka na niya.

Gumamit ng mga kilalang dating sites at manatiling gamitin ang messaging service ng mga ito sa pakikipag-usap sa mga nakikilala rito. Hihikayatin ka ng mga manloloko na mag-usap kayo sa ibang platform o messaging services para  hindi agad mabisto ang kanilang panlilinlang tulad ng paghingi sa iyo ng pera.

Lagi ring merong dahilan ang romance scammer para hindi kayo makapag-video call. Hindi kasi sila iyong nasa litratong ginagamit nila sa kanilang profile. Ayaw nilang humarap sa camera para hindi sila makilala o matunton.

Laging tanungin ang kausap at tingnan kung magkakatugma o hindi ang mga sinasabi niya.  Maging alerto sa mga matatamis, malalambing o pambobolang salitang binibitawan niya. Kopyahin at isulat ito sa search engine at tingnan kung meron ding mga ganitong salitang lalabas sa mga website na naglalantad sa mga romance scam.

Ang mga scammer ay nagpapakalat ng kanilang mga pekeng profile sa mga dating apps at website at naghihintay na maunang lumapit sa kanila ang biktima.

Iwasang magbigay sa mga estrangherong nakikilala sa internet ng mga litratong maaari nitong magamit sa extortion. Kapag naghihinala ka nang isang swindler, fraudster, o scammer ang kausap mo sa internet, ihinto na ang pakikipag-ugnayan sa kanya.  Iparating ito sa dating site o apps na nagamit ninyo sa pag-uusap.

Huwag buksan ang mga link o download na ipinapadala sa iyo na tila walang kaugnayan sa inyong mga pag-uusap. Kapag pumayag kang makipagkita ng personal sa taong nakilala mo lang sa dating apps o social media, ipaalam ito sa iyong pamilya o mga kaibigan kung saan ka pupunta.

Kung sakali, mainam na magkita kayo sa pampublikong lugar. Hindi rin nakakabuting pumunta sa ibang bansa para makipagkita sa taong hindi mo pa nakikilala nang personal.

Huwag magpadala ng pera o gift cards sa sinumang nakilala mo lang sa internet o ipaalam dito ang detalye ng iyong bank account. Halata na siyang scammer kapag humihingi sa iyo ng pera.

-oooooo-

Email: [email protected]

SCAMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with