^

Punto Mo

Aral mula sa ipis

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

TAHIMIK na nagtatrabaho ang mga empleyado sa isang kuwarto nang biglang may naligaw na ipis doon. Lumipad ito at naglanding sa ibabaw ng kamay ni Lily.

Nag-panic si Lily. Nagsisigaw. Marahil ay sa sobrang pandidiri. Iwinagwag niya ang kamay hanggang sa natanggal ang ipis at lumipat sa batok ng katabi niyang si Danica. Hindi pa nadarama ni Danica ang ipis sa kanyang batok pero nakita iyon ni Becca. Nagsisigaw ito.

‘‘Dani may ipis sa batok mo!’’

Tumayo si Danica. Kinapa ang batok at nadama ng kanyang kamay na may ipis nga. Bigla siyang nagtatalon at nagsisigaw habang pinapagpag ng kamay ang batok.

Nagkagulo na sa kuwarto. May lumayo kay Dani, mayroon namang nakitulong sa pagtanggal ng ipis. Dumating ang janitor. Lumapit kay Dani para pitikin ang ipis ngunit bigla itong lumipad at sa kanyang dibdib lumipat.

Hindi kumibo ang janitor. Baka kung gagalaw siya ay magulat ang ipis at lumipad na naman ito sa mga babae. Kailangang mapatay na niya ito para matigil na ang kaguluhang idinulot nito.

Dinaklot ng kanyang malalaking kamay ang ipis. Dinurog ito at itinapon sa basura. Dali-dali siyang nagpunta sa toilet, sinabon niya at binanlawang mabuti ng tubig ang kanyang kamay nang makailang beses.

Binigyan siya ng mga babae ng alcohol para ipahid sa kamay. Pagkatapos noon, ipinagpatuloy ng janitor ang kanyang trabaho.

Sa nangyaring kaguluhan, sinisisi ng mga babae ang ipis. Pero bakit hindi naman nagulo ang janitor. Sa katunayan, kalmado lang siya nang sa kanya dumapo ang ipis.

Sa puntong ito, hindi ipis ang may kasalanan ng kaguluhan kundi ang kawalan ng kakayahan na mga kababaihan na maging kalmado sa biglaang pangyayari. Hinahayaan nila na mag-panic ang utak nila kahit alam nilang isang munting ipis lang ang kailangan nilang patayin.

ARAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with