^

Punto Mo

‘Love scam’, ­mamamayagpag, kaya ingat lang!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

ETO ha,  hindi matapus-tapos ang babala ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa marami nating mga kababayan patungkol sa dumaraming kaso ng ‘love scam’.

Inaasahan kasi na  posibleng tumaas ang ganitong kaso lalo na umano ngayong tinatawag na ‘love month’ ang buwan ng Pebrero.

Yung iba naman kasi walang kadala-dala kahit pa nga alam na alam na nila ang istilo ng ganitong modus.

Pero hindi rin magsasagawa ang Responde na muling magbigay babala para ‘di mabiktima ng mga scammer na ito na ang tanging layunin ay makakulimbat ng pera sa kanilang tinatarget na biktima.

Ingat-ingat sa pagpunta sa mga dating websites o yung mga social media apps na nagpapanggap na naghahanap nang makakasama sa buhay na yan ang kadalasang  ginagamit ng mga scammer para makapambiktima.

Ayon nga sa PNP-ACG magagaling ang mga ito at talagang kadalasang nahihikayat ang mga target  na naghahanap ng kanilang magiging partners.

Madaling makahuli ng loob ang mga kawatang scammer, kaya naman kung hindi mag-iingat ang kausap sa social media madaling mahuhulog sa mga matatamis nitong salita.

May pamamaraan pa ang mga ito para mabilis silang pagkatiwalaan ng kanilang biktima kung saan nakukuha nila agad ang loob ng mga ito kahit hindi sila nagkikita pa ng personal.

Kapag palagay na ang loob dyan na dadale ng drama ang mga kawatan, at magkukuwento na ng mga malulungkot at ma-emosyunal na mga problema sa buhay na ang direksyon ay para makakuha ng pera.

Yun namang biktima, dahil sa awa magbibigay ng pera, madalas na hindi lang isa, dalawa may iba tatlong ulit nang nakulimbatan ng salapi di pa nakakahalata na niloloko na sya.

May ilan pa nga na sabihing may kaya, milyon na ang napakawalan para lamang  sa inaasahan nilang magiging ‘partner in life’.

Tandaan kadalasang pekeng online profiles ang ginagamit ng mga ito at kapag napakinabangan na nila kayo, sigurado gagawa na naman ang mga ito ng panibago at hindi na nyo makakausap pa.

Dapat maging matalino,  kahit pa nga sa usapang puso  dapat lakipan din ng ‘utak’ ng hindi maging biktima  ng ganitong mga kawatan.

‘Wag na ninyong intayin na  ubusin nyan ang inyong kabuhayan dahil pagkatapos nyan  mawawala na lang yan na parang bula.

Hindi rin dapat mahiyang agad na magsumbong kung duda na kayo, yung iba kasi nahihiya na magsumbong hindi kasi matanggapa na naloko sila.

Hanggat walang nagsusumbong patuloy na mamamayagpag ang mga iyan at marami pa ang magiging biktima.

LOVE SCAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with