^

Punto Mo

Pinaghahandaan mo ba ang iyong pagtanda?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG isa sa hindi magandang pangyayari sa buhay ng tao ay ‘yung wala kang naipong pera at walang sariling bahay na naipundar pagsapit mo sa huling yugto ng iyong buhay.

Ang unang matandang biyuda na ikukuwento ko ay may dalawang anak. Nakikitira siya sa panganay na babae na may sarili nang pamilya. Kaso biglang namatay ang anak niya. Pagkatapos ng libing, pinalayas siya ng manugang. Buhay pa ang kanyang anak ay lagi na silang nag-aaway ng manugang.

Ang biyuda ay dating may house and lot pero ibinenta. Naubos ang napagbentahan sa bahay sa luho ng biyuda. Ngayon ay nakikitira na lang siya sa bunsong anak na masama rin ang ugali ng asawa. Tinitiis na lang niya ang lahat dahil wala na siyang malilipatan. Mabuti na iyon kaysa kalye siya manirahan.

Ang pangalawa ay matandang tomboy. Noong nasa kasiglahan pa ang kanyang buhay ay malaki siyang kumita. Kung anong laki ng kanyang kinikita ay siyang lakas din niyang gumasta. Pasikat kasi sa mga babaing nakukursunadahan. Feeling pogi. Naging OFW siya pero nauwi rin sa wala ang lahat ng naipundar. Okey lang na i-enjoy niya ang kanyang katomboyan pero naging “wise” sana siya sa pamamagitan ng pagtatabi ng pera para sa kanyang pagtanda.

Ngayon ay wala na siyang ka-live in at nakikitira na lang sa hipag na biyuda ng kanyang kapatid. Hindi naman siya inaapi pero sikip na sila sa bahay kaya nakikikuwarto lang siya sa mga katulong. Hindi man sinasadya, ang naging status niya sa bahay ay kapantay lang ng mga maid of honor. Kung nag-ipon siya, hindi niya iyon mararanasan.

Ngunit kabaliktaran ng naunang dalawang matanda ang huling matanda na ikukuwento ko sa inyo. Biyuda na rin siya at may naipundar na sariling bahay. May isang anak pero malayo ang lugar na tinitirhan nito dahil  may pamilya na. Nagkasakit ang biyuda. Palibhasa’y maraming perang naimpok, kumuha siya ng mga taong mangangalaga sa kanyang pangangailangan. Bumili siya ng sasakyan at kumuha ng drayber. Ang gusto niya ay may magamit siyang sasakyan patungo sa ospital tuwing magpapa-check up. May katulong siya at caregiver. Naging maayos ang kanyang pang-araw-araw na buhay sa tulong ng mga taong binabayaran niya. Hindi niya kailangang mamalimos sa anak para may maitustos sa kanyang pangangailangan. Pinaghandaan talaga niyang mabuti ang kanyang pagtanda.

Huwag nating iasa ang pagtanda sa mga anak o sinumang kapamilya. Wala nang sasarap pa sa ideyang huhugutin natin ang huling hininga na  wala tayong iiwanang problema sa mga mahal natin sa buhay—utang sa ospital, utang sa punerarya, at iba pang “kautangan”.

vuukle comment

AGING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with