^

Punto Mo

Retirement ni ­Sermonia, hudyat ng big reshuffle sa PNP!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAGRERETIRO sa araw na ito si Lt. Gen. Rhodel Sermonia na mag-signal ng isang malawakang reshuffle sa Philippine National Police. Si Sermonia, na Deputy Chief for Administration (DCA), ay No. 2 man ng PNP. Siya ang pinakabatang miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’89. Ang pinakasiguradong papalit kay Sermonia ay si Lt. Gen. Michael John Dubria, ang Deputy Chief for Operation (DCO) o No. 3-man ng PNP.

Siyempre gagalaw din paitaas o DCO si Lt. Gen. Emmanuel Peralta at maiiwang nakati­wangwang ang puwesto n’yang The Chief Directorial Staff (TCDS) o No. 4-man ng 228,000-strong PNP. Kaya’t bibigyan ng retirement honors si Sermonia sa huling araw n’ya sa PNP, matapos marating n’ya ang retirement age na 56. Hehehe! Mamimiss kaya ni Boss Caby ang peborit n’yang opisyal na tinagurian n’yang Boy Solicit?

Sa totoo lang, maraming puwesto sa PNP ang bakante subalit hinay-hinay si PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa pagtalaga ng opisyal dito dahil palapit na ang pag-implement ng PNP reorganization law. Ipinaliwanag ni Acorda na sa ilalim ng nasabing batas may mga Support Units sa Camp Crame na ang mga hepe ay gagawing major general. Sa Area Police Command (APC) naman, ang magiging deputy chief nito ay brigadier general lamang at ang puwesto na ito ay inuupuan sa ngayon ng major general.

“There are some positions na as of now is good for one-star. But once that law will be approved, and it might be approved soon, magiging 2-star ang positions na ‘yun. So mahirap mag-adjust later on,” ani Acorda.

“We will be placing officers tapos later on baka mag-back out because of the effect of the bill. Eh mahihirapan kami maghanap ng puwesto or worst, baka tanggalin namin yung mga nakapuwesto na masakit naman ‘yun on the part of the officers na nailagay na kasi 1 star entry tapos biglang mag 2-star. Saan mo ilalagay ‘yun?” ang tanong pa ni Acorda. Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon kay Acorda, pinag-aralan nila ng Directorate for Personnel and Record Management (DPRM) ang problema para lagyan ng opisyal ang mga bakanteng puwesto sa PNP. “Gusto naming kargahan kaagad but gaya ng sinabi ko if it will be affected by the reorganization bill baka mag-lie low muna and making sure na there will be not much disturbances in the (PNP) organization once the law will be approved,” ani Acorda. Tsk tsk tsk! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Dahil sa pag-akyat nina Dubria at Peralta sa Command Group, ang binabantayan ng mga kosa ko sa Camp Crame ay kung sino ang aakyat bilang TCDS. Ang nasa isipan ng mga kausap ko mapupunta ang puwesto kina Lt. Gen. Jonnel “Esto” Estomo o kay Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez, para nakaabang na siya sa puwesto na babakantehin ni Acorda sa Marso 31.

At ang mga kandidato na papalit kay Nartatez sa NCRPO ay mga kaklase sa PMA Class ’92 na sina Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco, Maj. Gen. Ronald Lee at Maj. Gen. Romeo “Bong” Caramat, ang CIDG chief. Humahabol din si PRO 3 director Brig. Gen.Jose “Daboy” Hidalgo Jr.

Kapag si Caramat ang pinalad, puwede na sigurong isalpak sa CIDG si Brig. Gen. Matthey Baccay, na mahigit isang taon nang nakatengga bilang deputy sa DPRM. Si Baccay ay isang abogado at bagay s’ya sa CIDG, di ba mga kosa. Dipugaaaaa! Kaya lang, ang puwestong NCRPO at CIDG ay kailangang ang basbas ng Palasyo. Abangan!

RHODEL SERMONIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with