^

Punto Mo

Mga kaalaman na ngayon mo lang mababasa (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Iwasang lutuin sa microwave oven ang instant noodles na nasa styrofoam cup dahil kapag nainitan ang styrofoam, ito ay naglalabas ng chemical na hindi dapat humahalo sa pagkain. Tanggalin ang noodles sa cup at ilipat sa container na nakalaan para sa microwave cooking.

2. Ang orihinal na gamit ng chopstick kaya ito inimbento ay  para gamitin sa pagluluto at hindi pansubo sa bibig.

3. Mas magiging extra sweet ang nilagang kamote kung ang temperature ng tubig na pagpapakuluan nito ay nasa pagitan ng 135 and 170°F (57 and 77°C). Sa nasabing temperature gumagalaw ang mga enzymes kaya ang starch ay nagiging Maltese na matamis.

4. May cooking term na “engastration”. Ito ay teknik kung saan ang malaking carcass ng meat ay palalamanan ng mas maliit na carcass. Ang pinausong luto sa Europe noong unang panahon: ang chicken meat ay ipapalaman sa tiyan ng pato at saka ipapalaman sa tiyan ng turkey.

5. Noong Middle Ages (500 AD to 1500) sa Europe, ang paglalagay ng paminta sa lutuin ay isang luho, na mayayaman lang ang kayang gumamit nito.

6. Ang “most stolen food in the world” ay cheese.

7. May isang uri ng kamoteng kahoy na unang nanggaling sa Africa at South America na kung tawagin ay Manioc. Kailangan itong lutuing mabuti bago kainin dahil nagtataglay ito ng toxic substance na linamarin na kapag kinain ng hilaw ay nagiging cyanide.

TIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with