^

Punto Mo

Sari-saring kuwento ng US First Ladies  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Harriet Lane: Pamangkin ni U.S. President John Buchanan (15th President, 1857-1861).

Ang role niya ay bilang First Lady dahil binata ang Presidente. Hindi alam ng mga tao kung ano ang itatawag sa kanya. Noon nagsimulang maimbento ang salitang First Lady. Siya ang pinakaunang ginamitan ng titulong First Lady.

Mary Todd Lincoln: Maybahay ni Abraham Lincoln.

Isa siyang shopaholic. Palibhasa ay lumaki sa maykayang pamilya, nasanay siya sa maluhong pamumuhay. Ginamit niya ang pondo ng mga sundalo at pinalayang mga alipin, para ipambili ng kanyang mga mamahaling damit.

Anna Harrison: Maybahay ni William Henry Harrison (9th President, Marso 4, 1841-Abril 4, 1841).

Siya ang may “shortest career as First Lady” dahil hindi man lang niya nasulyapan ang loob ng White House. Hindi siya naka-attend sa inauguration ng asawa dahil malala ang kanyang sakit. Hindi siya kasama na lumipat sa White House dahil mahinang-mahina pa ang kanyang katawan. Hindi na siya nabigyan ng pagkakataong yumapak sa White House kahit magaling na dahil isang buwan pagkatapos umupong Presidente, ang mister naman niya ang nagkasakit ng pneumonia at namatay.

Eleonor Roosevelt: Maybahay ni Franklin D. Roosevelt (32nd President, 1933-1945).

Nasaktan sa pagiging palikero ng kanyang asawa kaya nagkaroon ng lesbian affair sa isang female reporter na naging close friend niya. Balita rin na nagkaroon siya ng secret affair sa New York state trooper Earl Miller noong governor pa lang ang asawa niya.

(Itutuloy)

FIRST LADY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with