^

Punto Mo

EDITORYAL - Hitik na hitik sa pag-asa

Pang-masa
EDITORYAL - Hitik na hitik sa pag-asa

Punumpuno ng pag-asa ang maraming Pinoy ngayong 2024. Marami sa kanila ang naniniwala na magkakaroon nang malaking pagbabago sa kani­lang buhay ngayong taon. Naniniwala sila na ngayong taon makakamtan ang kanilang mga pinapangarap at matagal nang inaasam. Buong-buo ang kanilang pani­wala na ito na ang tamang taon na kanilang hini­hintay.

Sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong Disyembre 8 hanggang Disyembre 11, 2023, lumabas na 96 percent ang nagsabing sasalubungin nila nang may mataas na pag-asa ang 2024. Mataas ito kaysa survey ng SWS na ginawa noong 2022 (95 percent) na nagsabing haharapin nila ng may pag-asa ang 2023. Noong 2019 (bago ang pan­demya) sa survey pa rin ng SWS, lumabas na 96 percent din ang nagsabing punumpuno sila ng pag-asa.

Bagama’t marami ang nagsasabi na haharapin nila ang 2024 nang may pag-asa, may mga nagsabi rin naman na natatakot sila sa pagpasok ng 2024. Ayon sa survey, 3 percent ang nagsabi na natatakot o nangangamba sila. Ang mga nainterbyu ay adult respondents na binubuo ng 1,200 individuals.

Hindi naman talaga maiiwasan na magkaroon ng takot o pangamba sa respondents sa papasok na taon dahil na rin marahil sa maraming problema. Unang-una na ay ang kawalan ng trabaho ng nakararaming Pilipino. Marami pa rin ang walang kasiguruhan sa hanapbuhay sapagkat ngayon pa lamang nakababawi ang ekonomiya dahil sa pananalasa ng pandemya. Marami pa ang hindi nakababangon.

Problema rin ang mataas na bilihin, halimbawa ang bigas na hanggang ngayon ay hindi bumababa ang presyo at tumataas pa. Ang pangakong ibababa sa P20 per kilo ay nananatiling pangako. Bukod sa bigas, mataas din ang presyo ng iba pang mga bilihin at hindi magkasya ang kinikita. Mataas din ang pasahe dahil sa sunud-sunod na oil price hike.

Kamakailan, sinabi ng Malacañang na umaabot na sa P4.019 trilyon (US$72.178 bilyon) ang halaga ng investments na naiuwi ni President Ferdinand Marcos Jr. mula sa 19 na pagbisita niya sa iba’t ibang bansa. Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ang P4 trilyong halaga ng investments ay binubuo ng 148 projects na karamihan ay nasa sektor ng manufacturing, renewable energy, data centers, telecommunications at pharma manufacturing.

Kung totoo ang investments, ito na ang hinihintay ng mga Pilipino ngayong 2024. Sa dami ng investments, maraming hanapbuhay ang malilikha. At kapag nag­karooon ng katuparan, tiyak na malulubos ang pag-asa sa buhay ng mga Pilipino. Mangyari nawa ito.

vuukle comment

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with